Pambabasag ng bashers kina Ricci at Leren Mae baka mag-boomerang kay Andrea, sey ni Cristy Fermin: 'May tinatawag tayong overkill!' | Bandera

Pambabasag ng bashers kina Ricci at Leren Mae baka mag-boomerang kay Andrea, sey ni Cristy Fermin: ‘May tinatawag tayong overkill!’

Ervin Santiago |November 08,2023
facebook
share this

Pambabasag ng bashers kina Ricci at Leren Mae baka mag-boomerang kay Andrea, sey ni Cristy Fermin: ‘May tinatawag tayong overkill!’

Ervin Santiago - November 08, 2023 - 06:00 AM

Pambabasag ng bashers kina Ricci at Leren Mae baka mag-boomerang kay Andrea, sey ni Cristy Fermin: 'May tinatawag tayong overkill!'

Leren Mae Bautista, Ricci Rivero at Andrea Brillantes

KUNG hindi raw titigil ang ilang fans ni Andrea Brillantes sa pambabasag kina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista ay posibleng “mag-back-to-you” (mag-boomerang) ang kanegahan sa young actress.

Hanggang ngayon ay may mga tagasuporta pa rin kasi si Andrea na bumabatikos at bumabanat kina Ricci at Leren na very open na sa kanilang relasyon after nga nila itong aminin sa social media.

Isa ang isyung ito sa napag-usapan nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang YouTube channel na “Showbiz Now Na”.

Ayon kay Nanay Cristy, base sa kanyang obserbasyon, parang pinasasama pa raw ng mga fans ni Andrea ang image ng dalaga dahil sa mga ipinopost ng mga ito sa social media.

“‘Yun ‘yung sinasabi natin na kapag sumusobra na talaga, may tinatawag tayong overkill.

“Kapag sumusobra na po ang panlalait, paninira sa kung sinuman ng panig ng sangkot na artista, mapapansin ‘yun, e,” ang pahayag ni Nanay Cristy.

May pagka-OA na raw kasi ang ilan sa supporters ni Andrea sa pambabatikos sa ex-boyfriend ng dalaga na si Ricci Rivero pati na sa bago nitong dyowa na si Los Baños, Laguna Councilor Leren Mae Bautista.

Para naman kay Romel Chika, “Nabigyan naman sila ng sapat na panahon, araw ng pagpapaliwanag ng kanilang mga hinanakit noong mga unang araw.

Baka Bet Mo: Leren Mae Bautista aminadong nasasaktan sa pamba-bash sa kanila ni Ricci Rivero, pero…

“Okay na ‘yun, e. Pero ‘yung walang humpay, dire-diretso. Ilang buwan nang tumatakbo e nandito pa rin, parang hindi na nga maganda naman,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey uli ni Nanay Cristy, “Para silang mga boksingero noong una, e. Si Blythe saka si Ricci Rivero, di ba. Talagang higa sa lona, dapa sa lona talaga si Ricci Rivero.

“Pero hindi ngayon nakadapa sa lona e ganoon na lang ‘yun. Babangon at babangon pa rin hanggang hindi nauubusan ng hininga,” dugtong ng premyadong TV-radio host.

Nauna rito, ibinandera nga nina Ricci at Leren sa publiko ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng social media.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero umaming dyowa si Leren Mae Bautista: Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya…

Sa kanyang Instagram page, nag-post si  Leren ng isang short video clip na kuha sa ika-100 concert ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na ginanapa sa Music Museum.

Kinakanta ni Gary sa nasabing video ang isa sa kanyang hit song na “How Did You Know?” Sa caption ng IG post ni Leren, sinabi niyang dumating si Ricci sa kanyang buhay sa tamang pagkakataon.

Aniya, alam daw nila kung ano ang katotohanan kaya wala na raw silang dapat ipaliwanag pa sa mga tao. Ani Leren, “You came at the right time in my life. God knows the truth (heart emoji).”

“We don’t have to defend ourselves anymore, ang mahalaga alam natin ang totoo. @riccirivero,” aniya pa.

Makikita rin ang post na ito sa Instagram Story ni Ricci.

Matatandaang inamin din ni Leren na nahe-hurt siya sa natatanggap na pamba-bash ng mga netizens sa kanila ni Ricci kahit alam niya sa sarili na wala silang inagrabyado o sinakatang ibang tao.

“Damage has been done and hurtful words have been said that scarred me deeply, but it won’t stop me from doing what is right.

“We rise by lifting others. Not the other way around. At the end of the day, people will know, the TRUTH shall prevail,” sabi ni Leren sa isa niyang Facebook status.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong October 21 ibinandera ni Ricci ang relasyon nila ni Leren sa pamamagitan din ng Instagram. Aniya, “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending