Kourtney Kardashian nanganak na sa 1st baby nila ni Travis Barker

Kourtney Kardashian nanganak na nga ba sa first baby nila ni Travis Barker?

Pauline del Rosario |November 06,2023
facebook
share this

Kourtney Kardashian nanganak na nga ba sa first baby nila ni Travis Barker?

Pauline del Rosario - November 06, 2023 - 06:04 PM

Kourtney Kardashian nanganak na nga ba sa first baby nila ni Travis Barker?

PHOTO: Instagram/@kourtneykardash

Isinilang na ng sikat na reality TV star at entrepreneur na si Kourtney Kardashian ang panganany nila ng musikero na si Travis Barker.

Ang exciting news na ‘yan ay ibinalita na mismo ng ilang media outlets sa Estados Unidos.

Ang unang nag-report pa nga nito ay ang American weekly magazine na People nitong November 4.

Hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa patungkol dito.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga ikinumpara kay Kim Kardashian; bigla raw lumobo ang boobs, pa-earthworm na ang bewang at tiyan

Magugunita noong Hunyo, inanunsyo ng couple sa gitna ng nagaganap na concert ng bandang Blink 182 na magkakaroon na sila ng anak.

Nagkaroon din sila ng gender reveal kung saan ibinunyag nila na ang inaasahan nila ay isang “baby boy.”

Kung maaalala naman noong Setyembre nang isinugod sa ospital ang “The Kardashians” star.

Ayon sa TV personality, sumailalim siya sa tinatawag na “urgent fetal surgery” upang mailigtas ang buhay ng kanyang ipinagbubuntis na anak.

“I have a whole new understanding and respect for the mamas who have had to fight for their babies while pregnant,” caption pa niya sa isang Instagram post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kourtney Kardashian Barker (@kourtneykardash)

Matatandaang taong 2022 pa nang ikinasal sina Kourtney at Travis na ginanap sa Italy.

Ang dalawa ay may lima nang anak na mula sa mga dati nilang partners.

Si Travis ay nagsimulang sumikat noong dekada nobenta bilang drummer ng rock band na Blink 182.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nikki Valdez wasak na wasak ang puso sa pagpanaw ng alagang Chihuahua: ‘My boy Travis has gone to doggie heaven’

Travis Scott, Bad Bunny, The Weeknd nagsanib-pwersa sa bagong kanta na ‘K-POP’ 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending