Michelle Dee No. 1 sa ‘Voice for Change’ ng Miss Universe online poll
ILANG linggo bago ang napipintong coronation night ng Miss Universe pageant, nangunguna na ang ating pambato na si Michelle Dee pagdating sa online voting ng “Voice for Change.”
Si Michelle ay mayroon nang 139,837 votes, as of November 4, 9:40 a.m.
Ang sumunod sa kanya ay ang kinatawan ng Ukraine na si Angelina Usanova na umaani na ng 139,191 votes.
Ang achievement ng ating beauty queen ay proud na ibinandera ng Miss Universe Philippines organization sa social media kung saan lubos nilang pinasalamatan ang lahat ng bumoto at sumuporta kay Michelle.
Baka Bet Mo: Beauty ilang araw hindi nakatulog bago nagdesisyong maging Kapuso; nag-‘I love you’ sa bashers
“Salamat, Pilipinas! Thank you to all the supporters, pageant fans, bloggers, FB groups, queens, talents, influencers, and general public who have been continuously helping,” sey sa Instagram page.
Anunsyo pa, “Through Bayanihan, we have achieved the top spot for Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee in the Voice for Change category.”
Nanawagan din ang local pageant organization sa publiko na huwag kalimutang iboto si Michelle sa “Fan Vote” category upang ma-secure ang kanyang spot sa semifinals.
“Let’s make Michelle no.1 in the Fan Vote, too, so she is assured of a spot in the semifinals. Kaya natin ito!” wika sa post.
View this post on Instagram
Kamakailan lang, nasa Los Angeles, California ang beauty queen kasama ang MUPH creative director na si Jonas Gaffud para sa last-minute preparations bago lumipad sa El Salvador.
Ang Preliminary Competition ng Miss Universe pageant ay mangyayari sa November 16, habang ang National Costume Show ay sa November 17 at ang inaabangang coronation night sa November 19.
View this post on Instagram
Halos 90 na mga kandidata mula sa iba’t-ibang bansa ang nakatakdang kakalabanin ni Michelle.
Ang mga nagwagi na ng Miss Universe title mula sa ating bansa ay sina Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015), at Catriona Gray (2018).
Related Chika:
Kyle Echarri na-bully din nang bonggang-bongga noong sumali sa The Voice Kids
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.