‘Deleter’ ni Nadine Lustre waging Best Scare Award sa England
ITINANGHAL na Best Scare Award ang pelikulang “Deleter” ni Nadine Lustre sa ginanap na 15th Grimmfest, isang film festival sa United Kingdom.
Ito ay masayang ibinahagi ng award-winning actress at ng direktor ng naturang pelikula na si Mikhail Red sa kani-kanilang X (dating Twitter) account.
“Always a hotly contested category as jurors debate what precisely constitutes a ‘scare’ and whether to select a traditional ‘jump scare’ or something more… intangible. In the case of ‘DELETER,’ what impressed and stayed with the jury, rather than any one moment, was the eerie, unsettling mood and atmosphere of the film as a whole,” pagbabahagi ng award giving body ukol sa pelikula.
Marami naman sa mga fans ni Nadine ang nagpadala ng congratulatory messages sa kanya at para sa lahat ng bumubuo ng pelikula.
“Deserved!!! Watched it on Prime. Pati nanay ko na hindi mahilig manuod ng Pinoy Horror movies. Nagandahan!!” saad ng isang netizen.
Baka Bet Mo: ‘Deleter’ naungusan na nga ba ang ‘Feng Shui 2’ bilang top grossing Filipino horror film?
View this post on Instagram
Comment naman ng isa, “Congratulations to you, to Direk Mik and the whole DELETER Team!”
“Congrats to you and the whole team. Galing as always,” sey naman ng isa.
Bukod kay Nadine, kasama rin sa “Deleter” sina Louise Delos Reyes, McCoy de Leon, at Jeffrey Hidalgo.
Bago pa man kilalanin internationally ay humakot na ng awards ang naturang pelikula sa nagdaang 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) bilang best picture, best actress, at best director.
Kamakailan lang ay muling nagkasama sina Nadine at Direk Mikhail para sa pelikulang “Nokturno”.
Related Chika:
Louise delos Reyes wapakels sa mga kumukwestiyon sa pelikulang ‘Deleter’: Kebs!
Nadine ipinagmalaki ng ama sa buong universe: You have proven that ‘Love Teams’ can be…Deleted!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.