R&B singer JP Bacallan may debut single na, dedicated sa kanyang special someone
TILA nagpapakitang-gilas ang baguhang R&B singer na si JP Bacallan sa kauna-unahan niyang single under Sony Music Entertainment.
Ito ang kanyang official debut project na pinamagatang “Señorita” na dedicated para sa kanyang special someone.
Ang kanta rin ang naging daan upang ipakita ni JP ang kanyang pagkahumaling sa ganda ng kanyang iniibig.
“I want to lift her up and let her realize how precious she is to me,” saad sa inilabas na pahayag ng singer.
Baka Bet Mo: Baguhang singer na si SHANNi pumirma ng kontrata sa Sony Music, naglabas ng debut single na inspired sa pelikula
Chika pa niya, “I personally wrote this song as my way of expressing appreciation.”
Mapapakinggan sa bagong single ang pinaghalong Latin-inspired grooves, acoustic guitars at swabeng percussions.
Ang kanta ay prinoduce ng kanyang constant collaborator na si Nexxfriday.
“Our normal process for creating a song is that he will give me the beat, and once I feel the vibe, I will write down all my thoughts,” kwento ni JP kung paano nabuo ang kanta.
Bago pa pumirma sa nabanggit na major record label, si JP ay mayroon nang halos hundred million views sa YouTube.
Nakatrabaho na rin niya ang ilan sa mga bigating personalidad pagdating sa Pinoy hiphop, kabilang na riyan sina Gloc-9 at Pricetagg.
Nakilala rin ang Pasig-based artist sa mainstream television bilang isa sa naging contestants ng “Tawag ng Tanghalan,” ang segment na singing contest ng noontime show na “It’s Showtime.”
Related Chika:
Janine mas pipiliin ang walang pumunta sa kasal: Kasi ang sad kung nobody show up to my funeral
Valentine Rosales basag na basag kina Rommel Galido at JP dela Serna: Ewwwww! Cheap mo girl!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.