INAMIN ni Raquel Pempengco na sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan ni Jake Zyrus (dating si Charice Pempengco) ay itinuturing pa rin niya ito bilang kapamilya.
Sa kanyang panayam kay Morly Alinio na mapapanood sa YouTube channel ng huli, ibinahagi ng ina ni Jake ang kanyang saloobin ukol sa kanilang relasyon ng anak.
Saad ni Raquel, nagdesisyon siyang magpa-interview upang matapos na ang mga isyu ukol sa anak.
“Gusto ko lang ipaalam sa mga tao na tahimik na si Jake. Bigyan nyo ng karapatang malaya ang pamumuhay na hindi naka-focus sa kanya kasi tao lang rin naman ‘yun.
“Ako na lang ang uunawa. Kahit gaano siya kalayo, kahit gaano katagal pa siyang hindi mag-reach out sa amin, basta family pa rin namin siya. Hindi pa rin namin siya nakakalimutan na parte pa rin siya ng pamilya,” lahad ni Raquel.
Pag-amin rin niya, talagang nasaktan siya nang magdesisyon si Jake na patayin ang dati niyang pagkatao.
Baka Bet Mo: Raquel Pempengco may patutsada sa concert ni David Foster: Nag-iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco
“Siyempre masakit sa akin. Noong pinagbubuntis ko siya, namanata ako ng siyam na buwan para maging babae. Masakit sa akin na ‘yung akala komg Charice Pempengco na malapit sa ina, kaibigan ng ina, ako ‘yung buhay niya, mula nang mag-Jake siya, nawala lahat,” pagbabahagi pa ni Raquel.
“Mas masakit sa akin kasi nag-expect ako na for life kami magkasama e. Iniisip ko kung nagkamali man ako sa isang lugar pero hindi naman ganoon kabigat para kalimutan na ina ako,” dagdag pa niya.
Isa rin sa hinanakit ni Raquel bilang ina ay ang magpalit ito ng pangalan.
“Masakit sa akin na nagpalit siya ng pangalan dahil ako ang nagbigay ng pangalan niya… Siya ‘yung ipinanata ko na ibinigay ni Lord sa akin,” sey pa niya.
Sa kabila raw ng pagpapalabas ni Jake na umano’y isang masamang ina si Raquel sa ipinalabas nitong istorya sa “Maalaala Mo Kaya” ay tinawanan niya lang ito.
“‘Yun pang mas masakit. ‘Yung gumawa siya ng libro at sinabihan niya ako ng ‘evil queen’ ako pero tinatawa ko lang ‘yun.
“Akala lang ng tao na nakangiti ako sa media, sa social media pero deep inside durog ba durog ang puso ko bilang ina,” sabi pa ni Raquel.
Raquel Pempengco naglabas ng hinanakit kay Jake Zyrus: Sobrang sakit po pero hindi dahil sa pera…