Pagtawag kay Ricci ng ‘user’, ‘namera’, ‘may sugar GF’ at ‘cheater’ inalmahan ng ama; may patutsada na naman kay Andrea?

Pagtawag kay Ricci ng 'user', 'namera', 'may sugar GF' at 'cheater' inalmahan ng ama; may patutsada na naman kay Andrea?

Ricci Rivero at Andrea Brillantes

MATAPANG na ipinagtanggol muli ni Paolo Rivero ang kanyang anak na si Ricci Rivero sa mga bashers na patuloy na nangnenega at nanghaharas sa binata.

Hanggang ngayon kasi ay pinuputakti pa rin ng batikos ang aktor at basketball player dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Andrea Brillantes.

Napilitan nang sumagot ang tatay ni Ricci matapos siyang akusahan pati na ang kanyang asawa na kinukunsinti raw kasi nila ang anak kahit mali na ang mga ginagawa nito.

Sa comments section ng Facebook post ni Ricci last October 19, kung saan sinagot nito ang ilang netizens na walang tigil na namba-bash sa kanya, nag-iwan din ng mahabang mensahe ang kanyang ama.

“The reason why we always ask God for guidance and blessings is because we know we are on the right side. Really, time is the ultimate truth teller. Time will come we will know who’s lying and who’s not.


“We may be outnumbered now but I truly believe that if God is with you, who can be against you,” simulang pahayag ni Paolo Rivero.

Wala siyang binanggit na pangalan pero naniniwala ang mga nakabasa nito na para kay Andrea ang ilang bahagi ng kanyang post.

“You guys can say anything you want bad mouth our family but in the end our family can still go to bed and have a good sleep because we know KUNG SINO ANG SINUNGALING AT SINO ANG GUMA GAWA NG KWENTO AT PA-PANIWALAIN ANG MGA TAGA SUPORTA and asking others to spread false information just to gain sympathy.

“She might not be talking in public but definitely she’s asking her friends to post and spread false rumors, alam mo yan iha, sabi mo nga ‘ang importante bebe yung feeling ko sayo hayaan mo na mga sina sabi ng friends ko basta tayong dalawa ok’ ha?

“Talaga? Ganun lang yun? I can only wish all the best iha and when the time comes at lumabas na ang tutuo i just hope maka bawi ka pa.

“We really feel sorry for you coz misguided ka ng mga naka paligid sayo,” ang dire-diretsong patutsada ng tatay ni Ricci.

May isa namang netizen ang sumagot kay Paolo at nagsabing si Ricci rin daw ang nag-imbita ng haters matapos niyang ibandera sa buong mundo na si Andrea raw ang gustong makipagbalikan sa kanya na tinanggihan daw niya.

Hindi rin daw maiiwasang hindi madamay ang dating beauty queen na si Leren Mae Bautista dahil si Ricci na rin ang umamin in public na dyowa na niya ang dalaga.


Sinagot din ito ng ama ni Ricci, “After all the accusations they’ve thrown to him asking him to explain his side and tell the truth now that we’re all talking mali pa rin?

“They all made up the stories to make him look very bad, laundry, gamit sa condo, cheater, he is after her popularity, user, wishing him dead wishing us all to go to hell messaging us on our private number do you think after all this time we’r just gonna take this sitting down.

“Anak namin yan, kayo nga hindi niyo sila kilala personally and you think you have the right to tell us what to do and not to do, ok lang kayo?” paliwanag nito.

Dagdag pa niya, “Yung stress na inabot ng family namin because of those lies and make up stories hanggang sa bunsong anak namin na bu-bully sa school dahil ini idolo ng karamihin yung isa and you think dapat manahimik kami and not tell what really happened?

“Wow! Gusto niyo mag sabi ng tutuo and when he starts talking and hindi niyo gusto yung mga sinabi niya mali pa rin sya? Dapat yung kwento nung isa yun ang tama at yun din dapat ang sabihin niya?” ang pagtatanggol pa ni Paolo sa anak.

Mariin pa niyang sabi sa huling bahagi ng kanyang post, “You can say whatever you want but the truth remains that God knows what really happened and TIME WILL REALLY BE THE ULTIMATE TRUTH TELLER.

“Lets all wait and see and when that time comes, go ahead balikan niyo ako…” sey pa niya.

Hinamon naman siya ng isang netizen na sabihin na ang lahat ng nalalaman niya sa breakup ng kanyang anak at ni Andrea hindi yung at kung bakit talaga sila naghiwalay.

Ang paliwanag naman ni Paolo, “When we are at the mall some people are telling us na mag laba kami for our son, telling us how bad we are as a parent because we are tolerating our son being a cheater and na memera lang nagpapa bili ng mga gamit sa condo, user it’s really unfair for us we worked so hard to provide for our children.

“Our son worked so hard to earn and buy his own condo furnished it, practicing in the morning working out in the afternoon, fulfill his commitments sa endorsements in the evening tapos he will be accused of being a user (namera naghanap ng sugar gf).

“Anyway this would be my last reply.. lets all wait and see coz its starting come out…. TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER,” aniya pa na hindi pa rin sinabi kung bakit naghiwalay sina Ricci at Andrea.

Read more...