Edu Manzano naaksidente matapos makaladkad ng mga alagang golden retriever kaya hindi nakadalo sa 2 okasyon | Bandera

Edu Manzano naaksidente matapos makaladkad ng mga alagang golden retriever kaya hindi nakadalo sa 2 okasyon

Ervin Santiago |October 31,2023
facebook
share this

Edu Manzano naaksidente matapos makaladkad ng mga alagang golden retriever kaya hindi nakadalo sa 2 okasyon

Ervin Santiago - October 31, 2023 - 11:21 AM

Edu Manzano naaksidente matapos makaladkad ng mga alagang golden retriever kaya hindi nakadalo sa 2 okasyon

Edu Manzano

NAAKSIDENTE ang veteran actor at TV host na si Edu Manzano matapos makaladkad ng mga alagang golden retriever kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Edu ang naganap na aksidente na siyang naging dahilan kung bakit hindi siya nakadalo sa dalawang mahalagang okasyon nu’ng araw na yun.

Ipinakita pa ng award-winning actor sa kanyang IG followers ang mga tinamong sugar sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan matapos ang naganap na insidente.

Aniya, inilalakad niya ang dalawang alagang aso nang bigla na lang siyang kaladkarin ng mga ito hanggang sa mawalan na nga siya ng balanse.

Baka Bet Mo: Chito ibinandera ang sikreto para mapaligaya si Neri: Simple lang, pero promise super effective para pakiligin siya

Aniya sa caption, “It hasn’t been a great week. Due to an accident with my golden retrievers, I missed a wedding and a baptism due to my immobility.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Edu Manzano (@realedumanzano)


At dahil nga rito, dalawang mahahalahang events ang na-miss niyang puntahan kasabay ng pangakong babawi siya sa mga taong napangakuan niya.

Baka Bet Mo: Luis ka-join sana sa 1986 movie na ‘Ninja Kids’: Ako dapat ang bida roon, pero…

“I’m posting because I’m sad I missed those 2 very [important] occasions. Gus & Gi, Bob & Ayi babawi ako when I’m good enough to walk,” mensahe pa ng aktor.

Nagpasalamat din siya sa mga doktor na gumamot sa kanya matapos ang aksidente, “Yesterday, (Dr. Mark Edmon Tan) had to extract another 30cc of fluid and blood from my knee after an initial 15cc the other day.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami naman ang nagpadala ng healing message para kay Edu kabilang na riyan ang mga kaibigan niyang celebrities na sina Arnold Clavio, Zsa Zsa Padilla, RK Bagatsing, Marjorie Baretto at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending