Luis nag-sorry sa ‘kidney’ joke ni Petite: ‘Babawian ko lang, hindi po biro ang pinagdaraanan ng may mga renal condition’
AGAD nag-sorry si Luis Manzano sa madlang pipol sa binitiwang joke ng stand-up comedian na si Petite sa nakaraang episode ng “It’s Your Lucky Day”.
Maagap ang ginawang paglilinaw ng TV host-actor sa naging biro ni Petite sa biro ni Petite tungkol sa “kidney disease” kahapon, October 24, sa “Question of the Day” segment ng show.
Ang tanong: “Ano ang isang desisyon ninyo sa buhay na pinili n’yong gawin noon, pero ngayon, pinagtatawanan n’yo na lang?”
Si Petite ang unang sumagot, “Siguro sa dyowa. Totoo pala ‘yung kasabihan na, ‘Oh pag-ibig ‘pag tumama sa puso, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”
Baka Bet Mo: Negi, Petite, Iyah Mina nagkaiyakan nang mapag-usapan ang pamilya; pinahirapan din ng pandemya
Kasunod nito, nagkuwento na nga siya tungkol sa kanyang ex-dyowa na nagkaroon daw ng “kidney failure.”
“Kasi ‘yung ex ko, nagkasakit siya. Nagkaroon siya ng kidney failure. Kailangan po ng donasyon ng kidney para sa kanya.
“So ‘yung lola ko, kinausap ko. Sabi ko ‘lola baka pwedeng ibigay mo na lang ‘yung kidney mo kasi bata pa siya.’
“Hindi pumayag ‘yung lola ko, so ang ginawa ko, kinuha ko nang manu-mano (yung kidney). Gamit ko lang ‘yung nail cutter,” sabi pa niya.
View this post on Instagram
Hirit pa niya, kapag pumupunta raw sa bahay nila ang kanyang boyfriend ay napapahiyaw na lang ang lola niya na nasa wheelchair dahil parang na-trauma raw ito sa nangyari.
Baka Bet Mo: Kidney transplant ni Bea Rose Santiago tagumpay, kapatid ang donor: After 3 years of dia
Sumagot din ang ibang hosts na sina Tetay, Kyle Echarri at Andrea Brillantes. After magsalita ni Andrea, muling humirit si Petite tungkol sa kanyang past.
“Ang importante, wala kang pinagsisisihan, kasi ako akala ko ang nabigay ko kidney, atay pala,” sey ni Petite kaya tawanan uli ang lahat ng nasa studio.
Sa puntong ito, biglang pumasok sa eksena si Luis upang mag-sorry sa joke ni Petite, “Sandali ah, babawian ko lang. Kasi si Petite kanina nag-joke tungkol sa pinagdadaanan ng mga may kidney disease.
“Hindi po biro lahat ng pinagdadaanan ng may mga renal conditions, kidney disease. So kumbaga, sorry po doon sa mga…pasintabi lang doon sa mga kumbaga medyo naapektuhan po. So we apologize po for that joke,” mensahe ni Luis.
Hindi na nagsalita si Petite pagkatapos ng pahayag ni Luis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.