Heart nag-explain sa kumalat na chikang nagbenta siya ng kidney: 'Ang ibig kong sabihin rurok na rurok yung pagkabudol sa 'kin' | Bandera

Heart nag-explain sa kumalat na chikang nagbenta siya ng kidney: ‘Ang ibig kong sabihin rurok na rurok yung pagkabudol sa ‘kin’

Ervin Santiago - October 24, 2023 - 06:10 AM

Heart nag-explain sa kumalat na chikang nagbenta siya ng kidney: 'Ang ibig kong sabihin rurok na rurok yung pagkabudol sa 'kin'

Heart Evangelista

NAKAKALOKA naman talaga ang chika na kumalat sa social media na nag-donate raw ang Kapuso star na si Heart Evangelista ng kanyang kidney.

Maraming netizens ang naniwala na nai-donate na raw ni Heart ang isa niyang kidney base sa naging pahayag niya sa kanyang pa-question and answer session sa kanyang Instagram.

Yan ang nilinaw ng wifey ni Sen. Chiz Escudero sa isang TikTok video kung saan ipinagdiinan niyang isang joke lamang ang pagbebenta niya ng kanyang lamang-loob.

Sa mga hindi pa aware, nagsimula ang isyung ito nang tanungin ng isang netizen si Heart sa kanyang Q&A session sa IG, “How did you manage to recover emotionally, mentally, and spiritually sa mga nag-abuso sa kabutihan niyo?”

Reply ng aktres, “You recover by realizing that it’s okay. It was part of the criminal plan with their criminal minds. And you realize the reason why they worked so hard to put you down is because you actually have a great life.

“You have everything they ever wanted and they worked so hard to take it from you and get it. But that’s it. That’s all you have to realize. You have a good life with great people in your life that will protect you and they don’t.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


“So that’s it. And when you have that, you’re, like, okay, because no matter what they try to do or actively trying to do as we speak, I’m in a really good place. And where are they? Char. Matapang na ako ngayon!” ang tuluy-tuloy na chika ng fashion icon.

Dugtong pa niya, “Let’s just say it like this. It just doesn’t happen with people like me, like artistas or what.

Baka Bet Mo: Kidney transplant ni Bea Rose Santiago tagumpay, kapatid ang donor: After 3 years of dialysis, I feel brand new!

“It happens also at workspace, you know, the office that some people secretly wanted to have what you have, your life. And it makes you kind of question, ‘Why, what do I have?’ Because for me, I’m very oblivious about, ‘Oh, I have this.’

“So when somebody that seemingly was close to you says something bad about you, the ones that believe them never really like you to begin with because they finally have something na, ‘Ah, sabi ko sa yo, ganito siya, sabi ko sa yo, ganyan.’

“So, in a sense, you don’t really lose everything or anyone because those people never like you to begin with,” litanya pa ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya, “Ay, naku, ha. Matapang na ako ngayon. Hindi na talaga ako papayag. Dati, mabait ako. Ngayon, hindi na.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


“So, kung nagtataray ako, may dahilan yun. So in case, just in case, alam niyo, hindi talaga ako papayag. I’ve, oh my God, gone over and beyond. Nabigay ko nga yung kidney ko, e, alam mo ba?’ Ganu’n kabudol.

“May sakit daw yung ano, kailangan daw ng kidney, tutubo daw ulit. Binigay ko! Char! Pero ganu’ng kapasok, my God! But now? Try. You can take everything. I will find ways to work hard and get it back.

Baka Bet Mo: Kuya Kim inisa-isa ang ibig sabihin ng mga suot na singsing

“Basta si Lord kasama ko, wala tayong problema. Pero matapang na ako. Cheers to that!” ang kabuuang chika ni Heart.

Sa ipinost niyang TikTok video kamakailan, sinagot nga niya ang netizen na nagbanggit uli ng pagbebenta niya ng kidney.

“So, the question is anong ibig kong sabihin nu’ng sinabi kong except those nabenta niya yung kidney niya? What I mean to say is rurok na rurok yung pagkabudol ko emotionally, spiritually, and mentally. Kaya, kahit anong hingin sa akin, gagawin ko.

“Nu’ng sinabihan ako na nangangailangan daw ng kidney yung emerut babyrut niya, tapos sabi naman ng isang conniving kembot na tutubo naman daw yung kidney ko uminom lang daw ako ng vitamin B, charot! B Complex, na ibigay ko yung kidney.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But I was just joking because ang ibig ko sabihin nu’n, ganu’n karurok yung belief,” paglilinaw pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending