'Francis M collection' ni Boss Toyo gustong bilhin ng isang fan sa halagang P8-M | Bandera

‘Francis M collection’ ni Boss Toyo gustong bilhin ng isang fan sa halagang P8-M

Ervin Santiago |October 24,2023
facebook
share this

‘Francis M collection’ ni Boss Toyo gustong bilhin ng isang fan sa halagang P8-M

Ervin Santiago - October 24, 2023 - 06:20 AM

'Francis M collection' ni Boss Toyo gustong bilhin ng isang fan sa halagang P8-M

Boy Toyo

SA HALAGANG P8 million, nais bilhin ng isang rich fan ang collection ng jersey ng yumaong OPM legend na si Francis Magalona.

Yan ang ibinandera ni Boss Toyo sa kanyang YouTube channel kamakailan na talaga raw ikina-shock niya nang bonggang-bongga.

Kuwento ni Boss Toyo, na siya ring naglabas ng video kung saan lumantad ang nagpakilalang nakarelasyon noon ni Francis M pati na ang umano’y naging bunga ng kanilang pagmamahalan, personal na nagpunta sa kanya ang fan ng Master Rapper.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, talagang willing daw ang fan ni Francis na bilhin ang collection ng jersey  shirt at iba pang mga memorabilia nito sa halagang P8 million.

Baka Bet Mo: Awra Briguela nakalaya na matapos magpiyansa ng P6k, tinulungan kaya nina Vice Ganda at Xian Gaza?

Ang unang offer daw sa kanya ay P500,000 na siyang halaga ng pinambili ni Boss Toyo sa jersey ni Francis.

Sumunod na alok daw ay P1 million at sinabing ilalagay daw ito ng fan sa kakabukas lang niyang Club Hype.


At sa huli, sinulat na nga ng fan sa tseke ang halagang P8 milyon bilang huling offer niya kay Boss Toyo para sa lahat ng kanyang Francis M collection.

Baka Bet Mo: Kim ibinandera ang bag collection: Para akong nagbebenta! Pa-mine na lang po!

Bigla raw kinilabutan si Boss Toyo sa final offer sa kanya ng Francis M solid fan para sa kabuuan niyang collection. Pero ang ending, hindi pa rin umoo ang content creator.

Aniya, wala raw katumbas na pera ang collection niya ng mga memorabilia ni Francis M.

Sa katunayan, naipa-frame na raw niya ang jersey ni Francis M na ipinagbenta sa kanya ni Abegail Rait, ang nagpakilalang karelasyon noon ng yumaong rapper.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa ni Boss Toyo, balak niyang i-display ang kanyang collection sa pag-aaring museum.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending