Kim ibinandera ang bag collection: Para akong nagbebenta! Pa-mine na lang po! | Bandera

Kim ibinandera ang bag collection: Para akong nagbebenta! Pa-mine na lang po!

Reggee Bonoan |May 11,2021
facebook
share this

Kim ibinandera ang bag collection: Para akong nagbebenta! Pa-mine na lang po!

Reggee Bonoan - May 11, 2021 - 04:52 PM

MARAMI na kaming napanood na artistang nag-feature ng kanilang mga collection sa kanilang YouTube channel pero paborito namin ang bagong vlog ni Kim Chiu.

Ang gaan lang kasi niyang panoorin, lalo na yung isa-isa niyang kinukuwento kung paano at kailan niya binili ang mga mamahaling bags niya sa loob ng 15 years niya sa industriya ng showbiz.

Bakit magaan panoorin? Kasi siya pa ang nahihiyang magkuwento kung bakit niya binili o nabili ang mga bag at walang halong yabang.  Na kung susumahin ang halaga ay puwede nang makabili ng isang mansion.

Punumpuno ang limang shelve ng designer handbag collections ng aktres mula sa Gucci, Prada, Chanel, Celine, Balenciaga, Hermes, Louis Vuitton, Valentino, Bottega Veneta, Yves Saint Laurent o YSL, Belladona, Burberry, Fendi, Tory Burch, Givenchy, at Christian Dior.

Aniya, “15 years naman kaya ko nabuo ito (sabay pakita ng Hermes collections). Ito ‘yung isa sa mga masakit sa bulsa na nasasaktan ako kapag nakikita ko, pero naha-happy naman ako. Every two weeks siya pinupunasan and tinutubigan (naglalagay ng tubig sa baso para maka-absorb ng init).”

Habang isa-isang ipinakikita ni Kim ang kanyang mamahaling koleksyon, “Para akong nagbebenta. Ha-hahaha! Pa-mine na lang.”

Anyway, isa-isang sinagot ni Kim ang tanong ng netizens tungkol sa kanyang bags.

Tulad na lang ng “the bag that you didn’t still use”, “(ipinakita ang Hermes Kelly bag), ito ‘yung sobrang idol, Heart Evangelista na nalaman kong nagdo-drawing siya sa mga Hermes bag, pina-drowingan ko itong isa sa pinaka-una kong bag.

“Sabi niya, ‘ano ang gusto mong i-drawing (ko)?’ Sabi ko kahit ano okay lang sa akin basta nadrowingan ng Love Marie (tunay na pangalan ni Heart) okay na.  Tapos nu’ng binigay na niya, ito ang lumabas hindi ko alam kung ito talaga ang meaning pero parang kamukha ni Senator Miriam (Santiago) at parang siya ito (nakatingin sa yumaong senador).

“So memorable bag kasi first Hermes Kelly ko ‘to at dinrowingan ng idol ko. Isa ‘to sa mga bag na I didn’t use.”

May mga ipinakita rin siyang LV, MCM, Gucci at Chanel, “Hindi ko pa ito ngagamit (Chanel black) hindi ko alam bakit kasi nahihiya.  I think pag nag-age pa ako more,” sambit ng aktres.

Ipinakita rin niya ang ilang Gucci bags na bigay sa kanya ni Dra. Vicki Belo na hindi pa rin niya nagagamit.

Sa tanong kung ilan ang lahat ng bags ni Kim, “Ang dami. Kasi 15 years collections naman siya kaya marami, pero more on backpacks.”

Most memorable behind every experience, “Isa sa most memorable ko is (lumang LV handbag). Ito ‘yung pinakauna kong signature bag (LV),  second hand pa nga ito dahil hindi pa maganda ‘yung kita ko dati. Ha-hahaha!

“Pero gusto ko lang talagang magkaroon ng luxury bag and pag hawak ko ‘to parang ang yaman-yaman ko. Ha-hahaha! Kahit may stain hindi ko talaga ito nile-let go. Next is (speedy LV bag). Siyempre meron tayo nito, ito ‘yung pangalawa sabi ng ate ko, ‘meron ka ng dark, bili ka naman ng light’ kaya ito (sabay hawak sa 2 bag).”

May isa pang LV bag na ipinakita ang dalaga, “Ito yung third medyo hardbound na, pamahal na nang pamahal. Paangat-angat na in life.

“At dahil sa hard work, pagod at puyat kaya nabili naman ako ng mga ganito (inikot ang tingin sa lahat ng bags), hindi ko ito binebenta dino-donate ko ‘yung iba para makatulong na rin,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May part 2 pa ang bag collection vlog ni Kim kung saan iri-reveal niya ang mga regalo ng boyfriend niyang si Xian Lim at kung ano naman ang nilalaman ng malaking kahon ng Hermes na mula kay Kris Aquino.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending