Luis hinding-hindi malilimutan ang ginawang 'pagsagip' sa kanya noon ni Alden; shookt nang matsugi sa serye nina Anne at Zanjoe | Bandera

Luis hinding-hindi malilimutan ang ginawang ‘pagsagip’ sa kanya noon ni Alden; shookt nang matsugi sa serye nina Anne at Zanjoe

Ervin Santiago - October 23, 2023 - 07:38 AM

Luis hinding-hindi malilimutan ang ginawang 'pagsagip' sa kanya noon ni Alden; shookt nang matsugi sa serye nina Anne at Zanjoe

Julia Montes, Luis Manzano at Alden Richards

MINSAN na ring “sinagip” ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang Kapamilya TV host-actor na si Luis Manzano.

Nabigyan ng chance si Luis na makapagpasalamat nang personal kay Alden nang mag-guest ang binata kasama ang leading lady nito sa “Five Break-Ups and a Romance” na si Julia Montes sa kanyang latest vlog sa YouTube.

Ayon sa husband ni Jessy Mendiola,  hinding-hindi raw niya makakalimutan ang ginawang pagsalo sa kanya ni Alden sa isang trabaho na natanguan niya pero hindi niya napuntahan.

Sa bandang dulo ng vlog ni Luis, nai-share nito ang pagsagip sa kanya ni Alden sa isang hosting job noon kahit pa  biglaan at madalian lamang ito.

“Naligtas na niya ako dahil may isang event na dapat gagawin ko, a long time ago, hosting. Bigla akong di puwede.

Baka Bet Mo: Luis Manzano sa intrigang parte raw ng LGBTQ community: Natatawa na lang ako

“Sobrang last minute, sinalo ako ni Alden. And for that, thank you very much, brother. I appreciate you,” ang pahayag ni Luis.

Kung matatandaan, naikuwento na rin ito ni Luis sa isa niyang vlog sa YouTube kasama si Jessy, noong February, 2021. Sey ng TV host, kinailangan daw niyang umatras sa natanguang hosting job that time.

“Dahil si Alden, one time, may hosting ako, nang magkasakit ako. Last minute, nanginginig ako sa fever. Kaya last minute, si Alden ang gumawa ng hosting job ko. Kaya, thank you brother sa ginawa mong iyon,” pagbabalik-tanaw ni Luis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, naichika rin ng Kapamilya star ang pagtsugi sa kanya noon sa isang ABS-CBN series. Ang tinutukoy niya ay ang teleseryeng “The Wedding” na umere noong 2009.

Makakasama sana niya sa show sina Anne Curtis at Zanjoe Marudo. Pag-alala ni Luis, “Gagawa dapat ako ng isang teleserye sa ABS, yung The Wedding.

Baka Bet Mo: Luis sa bashers: Babasahin ko ang comments n’yo na niyuyurakan ang pagkatao ko

“Tapos pina-workshop ako kay Miss Beverly (Vergel). Yung karakter ko, OC (obsessive compulsive).

“Hanggang sa nakuha ko na yung karakter ko, tapos yung call time ko nung kinabukasan, pinack up ako. Sabi sa akin, ‘Luis, pack-up ka muna, ha,’” ang sabi raw sa kanya ng kausap.

Hindi raw niya maintindihan ang nangyayari kaya super call siya kina Zanjoe at Anne. Nalaman niya na tuloy naman daw ang taping ng mga ito para sa naturang serye.

“’Tapos, kinabukasan, nag-message si Tita June (Rufino, manager niya), ‘Anak, pinalitan ka na sa show,’” sey ni Luis habang tawa nang tawa.

“Kung kailan nakuha ko na yung character ko, tinanggal ako sa show. Yung pack-up ko pala, sa buong programa, hindi lang taping day lang,” ang super laugh pa ring chika ni Luis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pumalit daw sa kanya sa serye ay si Derek Ramsay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending