Mga pelikulang ‘Anyone But You’, ‘Migration’ magpapasabog ng katatawanan sa big screen
HUMANDA na sa mga bagong pelikula na tiyak na magpapatawa at magbibigay-aliw sa inyo.
Isa na riyan ang comedy romantic film na “Anyone But You” na pagtatambalan ng American actress Sydney Sweeney at American actor Glen Powell.
Mapapanood sa inilabas na trailer na iikot ang istorya sa dalawang mature adults na nagkukunwaring maging couple hanggang sa tuluyan na nga silang ikinasal sa Australia.
Paano nga ba napunta sa ganoon ang kanilang sitwasyon?
Baka Bet Mo: Rufa Mae Quinto muling bibida sa remake ng ‘Booba’ makalipas ang 2 dekada
Kwento sa inilabas na pahayag ng Columbia Pictures, “In the edgy comedy ‘Anyone But You,’ Bea (Sydney Sweeney) and Ben (Glen Powell) look like the perfect couple, but after an amazing first date something happens that turns their fiery hot attraction ice cold – until they find themselves unexpectedly thrust together at a destination wedding in Australia.
“So they do what any two mature adults would do: pretend to be a couple.”
Maliban sa dalawa, tampok din sa comedy film sina Alexandra Shipp, Darren Barnet, Hadley Robinson, Dermot Mulroney, Rachel Griffiths, Michelle Hurd, Bryan Brown at GaTa.
Abangan ang petsa kung kailan ipapalabas ang pelikula na mula sa direksyon ni Will Gluck, ang Golden Globe-nominated writer/director/producer na gumawa rin ng mga iconic films kagaya ng “Friends with Benefits (2011),” “Annie (2014),” at “the Peter Rabbit (2018).”
Bukod sa “Anyone But You,” kakaaliwan din sa mga sinehan ang action-packed new original animated comedy na pinamagatang “Migration.”
Ipapalabas naman ‘yan sa mga lokal na sinehan sa darating na January 17.
Ang mga karakter sa animated film ay bibigyang-buhay ng mga boses ng Hollywood stars na sina Awkwafina, Elizabeth Banks, Danny DeVito, Keegan-Michael Key at Kumail Nanjiani.
Mula ito sa direksyon ni Benjamin Renner na tungkol sa isang pamilya ng mga itik na naisipang lisanin ang kanilang tahanan upang magawang i-explore ang mundo.
Mapapakinggan din sa pasilip na ang ginamit na soundtrack ay ang sikat na kantang “Out of the Woods” ni Taylor Swift.
Related Chika:
‘Strays’ handa nang magpaiyak at magpatawa, ‘Equalizer 3’ makikipagbakbakan na sa takilya
Herlene Budol puring-puri ni Rob Gomez: I’ve always seen her as a real, real person!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.