Dimples sinagot ang tanong ng fans kung nasaan na nga ba si Angel: 'Inaalagaan siyang mabuti ni Neil' | Bandera

Dimples sinagot ang tanong ng fans kung nasaan na nga ba si Angel: ‘Inaalagaan siyang mabuti ni Neil’

Ervin Santiago |October 22,2023
facebook
share this

Dimples sinagot ang tanong ng fans kung nasaan na nga ba si Angel: ‘Inaalagaan siyang mabuti ni Neil’

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 07:54 AM

Dimples sinagot ang tanong ng fans kung nasaan na nga ba si Angel: 'Inaalagaan siyang mabuti ni Neil'

Neil Arce, Angel Tocsin at Dimples Romana

MUKHANG wala pa talagang balak bumalik sa mundo ng showbiz ang Kapamilya actress na si Angel Locsin makalipas ang ilang taong pamamahinga sa pagtatrabaho.

Base kasi sa latest chika ng BFF ni Angel at kapwa aktres na si Dimples Romana, patuloy pa ring ine-enjoy ng award-winning actress ang kanyang married life kasama ang husband na si Neil Arce.

“Alam n’yo hindi ako nagsasawang sagutin about her, I am always being fond of people checking up on her. I feel it’s not just coming from concern but also pagka-miss niyo sa kanya. Ako rin naman I miss her. I try to see her every now and then,” ang pagbabahagi ni Dimples sa content creator na si Kiko Escuadro.

“I am very happy that she is taking this time off. Kasi nakita mo naman magtrabaho ‘yung taong ‘yon at grabe din ‘yun lumaban pagdating sa pandemya noon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)


“Pagdating sa trahedya, siya ang nauuna doon. At lagi kong dasal sa kanya noon, dati, sabi ko sa kanya ‘Gel, please maghinay-hinay ka kasi ‘yung katawan mo.

“Tayo ay hindi bumabata, baka niyan magkasakit ka.’ So ngayon na inaalagaan niya ang sarili niya, nandiyan si Neil ini-emjoy niya ang married life niya. Tahimik ang buhay niya ang saya-saya ko para sa kanya,” chika pa ni Dimples.

Baka Bet Mo: Sanya naging ‘yaya’ sa tunay na buhay: Ginagawa ko siya dahil mahal ko ‘yung inaalagaan ko

Super happy din daw siya para kay Angel dahil sa desisyon nito na magpahinga muna at i-enjoy ang pagsasama nila ni Neil bilang mag-asawa.

“Don’t we all wish that? Alam mo kung kaya kong gawin, gagawin ko rin siguro, kahit ikaw. Pero hindi natin kaya, only Angel Locsin can do that. Sa totoo lang!

“Saan ka nakakita, ‘yung best friend ko na ‘yon talagang iisipin mo napakahusay talaga niya, naisip niya ‘yon na at this age dahil ang dami ko na namang trabaho na ginawa.

“She was very selfless eh. She was always giving herself. And this time when she chose to remain calm, be in the house, enjoy married life, ‘yun ang sa akin ay kabilib-bilib. Kasi it’s a big choice but it’s also a choice that I feel is making her happier so masaya ako,” mariin pa niyang sabi.

Samantala, siniguro rin ni Dimples na patuloy ang ginagawang pagtulong ni Angel sa ating mga kababayan na nangangailangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Neil Arce (@neil_arce)


“Alam niyo sa totoo lang si Angel, ito ang nakakatawa diyan kahit ‘yan ay MIA (missing in action), hindi yan MIA sa buhay ng mga taong tinutulangan niya.

“Hindi lang kasi siya masalita kahit ako pa siguro sabihin ko sa inyo kung sino ang tinutulungan niya ay ayaw niya rin ‘yon. Kasi ayaw niyang pinagsasabi ‘yung tinutulungan niya.

Baka Bet Mo: Angel umaming walang dream wedding: Si Neil talaga ‘yung groomzilla, hindi ako!

“But I would tell you na kahit hindi mo siya nakikita, hindi ibig sabihin ay hindi siya tumutulong. Kasi kilala ko siya, magkaibigan na kami ng ilang dekada and alam ko.

“Kasi ang mga nakita lang nila ‘yung may mga fundraising na siya eh pero ang dami niyang ginawa sa mga tao na malamang nakakasalubong niyo na natulungan ni Gel in big ways.

“So I just know na whenever there’s something bad is happening, kilala niya o hindi niya kilala basta kaya niyang tumulong, gagawin niya ‘yon,” paglalahad pa ni Dimples.

Naibalita rin niya na gagawa sana sila ni Angel ng project together bago magpandemya pero hindi na nga ito natuloy, “But I still have high hopes because nag-a-action ako, baka naman ma-proud siya at gustuhin niyang magkasama kami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But for now I still want her to enjoy her time with Neil. Neil takes very good care of her and I am very grateful to Neil na inaalagaan niya si Gel that way that and I am sure inaalagaan din ni Gel si Neil, happy naman sila,” sey pa ni Dimples Romana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending