Maxene Magalona may cryptic post tungkol sa 'peace' at 'kindness', tungkol nga kaya sa nakarelasyon noon at isa pang anak ni Francis M? | Bandera

Maxene Magalona may cryptic post tungkol sa ‘peace’ at ‘kindness’, tungkol nga kaya sa nakarelasyon noon at isa pang anak ni Francis M?

Ervin Santiago - October 22, 2023 - 06:00 AM
Abegail Rain at Gaile Francesca Rain

PARA nga kaya sa mag-inang Abegail Rait at Gaile Francesca ang mga cryptic post ni Maxene Magalona sa kanyang social media account? 

Usap-usapan ng mga netizens ang magkasunod na Instagram post ng Kapamilya actress sa gitna ng isyu hinggil sa paglantad ni Abegail bilang dating karelasyon ng Master Rapper na si Francis Magalona.

Bukod pa rito ang rebelasyon ni Abegail na dating flight attendant na nagkaroon sila ng anak ng yumaong TV host-actor, ang dalaga na very soon ay papasok na rin sa showbiz na si Gaile.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita ang pamilya ni Francis M, kabilang na ang biyuda nitong si Pia Magalona, tungkol sa biglang paglantad nina Abegail at Gaile sa publiko.

Baka Bet Mo: Anak daw ni Francis M sa dating karelasyon planong mag-showbiz, hamon ng netizens: ‘Ipa-DNA na yan para makita ang kanyang KARAPATAN!’

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Maliban nga kay Frank Magalona na nag-like sa X post ng isang netizen na nagbanggit ng mga salitang “homewrecker” at “mistress” kaugnay ng mga rebelasyon ni Abegail.

Marami naman ang nagpalagay na tila may patama si Maxene sa kanyang mga bagong IG post tulad na lang sa ibinahagi niyang quote sa Instagram story mula sa American political activist at singer-songwriter na si Laura Dawn.

“Shout out to everyone who’s learning how to transmute scared rage into acts of kindness,” ang mababasa sa nawala nang IG story ng aktres.

Isa pang makahulugang quote mula naman kay Mahatma Ghandi, ang ipinost ni Maxene sa IG kalakip ang litrato niya na kuha sa isang beach sa La Union. Aniya sa caption, “Peace is its own reward.”

Samantala, mainit pa ring pinag-uusapan ng mga Marites ang tungkol sa umano’y dying wish ni Francis na naibahagi niya sa veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.

Nagkasama ang dalawa noon sa “Eat Bulaga” at sa isang viral video na naglalaman ng panayam ni Joey sa dating news program ng GMA na “Saksi” ay mukhang may inililihim nga ang King of Rap.

Habang nasa burol ni Francis sa Christ The King, Greenmeadows, Pasig City noong Marso 7, 2009 ay nabanggit ni Joey na mahilig mag-text sa kanya si Francis kahit may sakit na.

Aniya, “Oo nagte-text ‘yan hindi ako marunong mag-text, eh, so, siya lang ang text ng text sa akin, updated ‘yan.” At dito binanggit na may huling mensahe sa kanya ang rapper na hindi niya puwedeng banggitin.

Baka Bet Mo: Dating flight attendant na naging karelasyon daw ni Francis M lumantad na, ipinakilala ang kanilang anak sa publiko

“Yung huling text sa akin hindi ko pwedeng sabihin. ‘Yung mga ibang taga-Bulaga lang hindi pwede, eh. Sabi ko nga sa ibang networks sabi ko in time baka makuwento ko. Medyo may kapilyuhan pero I consider it a dying wish din. Someday baka ibulong ko sa ‘yo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakakatuwa ‘yun ang huli niya hindi naman ako maka-return (text back) kasi hindi naman ako nagte-text pero updated ‘yan kahit sa tsismis. Very thoughtful ‘yan si Kiko, eh,” aniya.

At dahil dying wish ang terminong sinabi ni Joey ay sa kanya kaya ibinilin ang bunsong anak ni Francis o baka naman ipinagtapat niyang may anak siya sa ibang babae? Well, hintayin na lang natin ang pagsasalita muli ni Joey.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending