Leonardo DiCaprio, Robert De Niro umani ng positibong reaksyon dahil sa ‘Killers of the Flower Moon’
PALABAS na sa mga lokal na sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ng dalawang bigating Hollywood stars na sina Leonardo DiCaprio at Robert De Niro.
Ito ang western crime saga na pinamagatang “Killers Of The Flower Moon.”
Ang kwento ng pelikula ay nangyari sa tunay na buhay noon pang 20th century at base na rin sa best-selling book ni David Grann na may parehong titulo.
Ang katambal ni Leonardo sa pelikula ay ang American actress na si Lily Gladstone.
Mukhang maganda talaga ang pelikula dahil nakakuha ito ng 95% fresh rating sa Rotten Tomatoes at posible pang magkaroon ng nominasyon sa darating na Oscars.
Baka Bet Mo: Kwento ni Mama Mary, pagsilang ni Jesus Christ bibigyang-buhay sa musical film, ipalalabas sa December
Wala pang anunsyo sa nasabing award-giving body, pero maraming eksperto na ang nagsasabi na makakakuha ng mga nominasyon sa major categories ang pelikula.
Ang “Killers of the Flower Moon,” anila ay isang malakas na kalaban para sa “Best Picture,” “Best Director” at mga pagkilala sa pag-arte para kina Leonardo, Robert at Lily.
Umiikot ang istorya ng pelikula sa isang tribo ng ng mga katutubong Amerikano na tinatawag na “Osage Nation” na naging mayaman sa loob lamang ng isang gabi dahil sa langis.
Bagamat naging maganda ang kapalaran ng mga katutubong ito ay sinundan naman sila ng kamalasan dahil ang nakuha nilang yaman ay umakit ng mga masasamang loob na pilit ninanakaw ang kanilang pera, at ang malala pa ay nagagawa nilang pumatay.
Tampok din sa “Killers of the Flower Moon” sina Brendan Fraser, Jesse Plemons, Louis Cancelmi, Sturgill Simpson, Katherine Willis, at marami pang iba.
Maliban sa mga sinehan, mapapanood din ang pelikula sa Apple TV+.
Related Chika:
Leonardo DiCaprio may dine-date na 19-year-old model, true ba?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.