Hugot ni Bong Revilla: 'Yung mga taong nagkasala sa akin pinatawad ko na silang lahat' | Bandera

Hugot ni Bong Revilla: ‘Yung mga taong nagkasala sa akin pinatawad ko na silang lahat’

Ervin Santiago |October 18,2023
facebook
share this

Hugot ni Bong Revilla: ‘Yung mga taong nagkasala sa akin pinatawad ko na silang lahat’

Ervin Santiago - October 18, 2023 - 08:06 AM

Hugot ni Bong Revilla: 'Yung mga taong nagkasala sa akin pinatawad ko na silang lahat'

Lani Mercado, Pangulong Bongbong Marcos at Bong Revilla

WALA nang nararamdamang galit ang actor-public servant na si Sen. Bong Revilla sa lahat ng mga taong nanglaglag at nagkasala sa kanya.

Mas pinagtutuunan daw ng pansin ngayon ang mga positibong bagay at patuloy na iniiwasan ang mga kanegahan na wala namang maidudulot na maganda sa kanyang buhay at career.

Sa pakikipagchikahan ni Sen. Bong at ng kanyang misis na si Cong. Lani Mercado sa talent manager at content creator na si Ogie Diaz, maraming naging rebelasyon ang celebrity couple.

Baka Bet Mo: Ate Guy umaming nagkasala kay Gina Alajar: ‘Pero napatawad na niya ako, isa siyang mapagmahal na direktor, artista at kumare’

Sa isang bahagi ng vlog ni Papa O, natanong ang mag-asawa ay kung paano nila hina-handle ang kanilang mga bashers at haters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Ang mabilis na tugon ni Sen. Bong,  tingnan na lang daw ng mga ito ang kanyang track record bilang public servant. Hangga’t maaari raw ay ayaw na niyang patulan ang kanyang mga detractors.

Ang sey naman ni Cong. Lani, “Tayo naman, I go for constructive criticism. Kung mayroong pagpuna, gusto ko ‘yun. Kasi it’s room for improvement for me.”

Baka Bet Mo: 2 kasong isinampa laban kay Jomari Yllana ng dating dyowa ibinasura

Inalala rin ni Bong ang mga panahong nakulong siya matapos sampahan ng kung anu-anong kaso. Tumagal din siya roon nang mahigit apat na taon.

Nang mapawalang-sala at makalaya, muli siyang tumakbo sa pagkasenador at nabigyan muli ng pagkakataon na makapaglingkod sa mga Filipino.

“At ‘yung mga taong nagkasala sa akin pinatawad ko na sila,” ang sabi pa ni Bong kay Papa O.

Kung matatandaan, nakulong si Sen. Bong noong 2014 matapos kasuhan ng plunder at graft at masangkot sa pork barrel scam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

After four years, napawalang-sala ang aktor at nakabalik nga sa posisyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending