Alden umaming nagkasala, nag-sorry kay Lola Nidora sa paghawak kay Yaya | Bandera

Alden umaming nagkasala, nag-sorry kay Lola Nidora sa paghawak kay Yaya

Djan Magbanua, Ervin Santiago |October 01,2015
facebook
share this

Alden umaming nagkasala, nag-sorry kay Lola Nidora sa paghawak kay Yaya

Djan Magbanua, Ervin Santiago - October 01, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

HUMINGI ng tawad kahapon sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) kay Lola Nidora (Wally Bayola) – at umaming sinuway nila ang “no touch” rule nito noong magkita sila sa mansiyon noong Sabado sa kalyeserye ng Eat Bulaga.

Hindi pa rin bumibitiw ang milyun-milyong tagasubaybay ng kalyeserye ng AlDub, kahapon, nag-number one trending topic pa rin ang #ALDUBTheConfession sa Twitter at iba pang social media.

Sa umpisa ng episode kahapon ay kinukuha na agad ni Alden ang atensyon ni Lola Nidora dahil may sasabihin daw itong mahalaga. Si Yaya Dub naman ay nakatingin lang at tila kinakabahan.

Pero bago pa masabi ni Alden ay may tumawag kay Lola Tidora (Paolo Ballesteros) – si Bill, ang dating nobyo ni Tinidora (Jose Manalo) at pupuntahan daw niya si Tinidora.

Nang dumating nga ang Amerikano, ay may dala itong bouquet ng roses at sinubukang suyuin si Tinidora. Pero ayaw ni Tinidora dahil labis raw siyang nasaktan sa mga panloloko nito sa kanya noon.

Hinabol-habol ng Amerikano si Tinidora na ikinahagalpak ng manonood. Nasambit naman ni Lola Nidora na nalipasan na ng panahon si Tinidora at dapat na niyang patawarin si Bill.

Nagbabala naman siya sa AlDub na dapat wag gawing laro ang pag-ibig dahil aniya, “Pareho kayong matatalo.” Ilang sandali pa ay nagawa ring makausap ni Alden si Lola Nidora.

At matapos ang mahabang sulatan ay naamin na rin niya na na-break nga niya ang “no-touch” rule sa second date nila ni Maine. “Nahawakan ko ang kamay niya” ang sabi ng binata sa pamamagitan ng fan sign.

Tulad ng inaasahan, nagalit si Lola kaya sorry ng sorry ang AlDub sa kanya. Napahupa naman ang galit ni Lola pero sayang daw dahil ibibigay na sana niya ang regalo niya sa dalawa: ang mag-date at manood ng sine ng sila lang dalawa.

Sinabi naman ni Alden na weeksary naman daw nila, kaya napaisip si Lola at si-nabing pinapatawad na niya ang mga ito pero hindi pa rin malinaw kung ibibigay pa rin niya ang regalo sa dalawa.

Sa pagtatapos ng kalyeserye kahapon, muli na namang narinig si Yaya Dub na nagsalita at sinabi kay Alden na, “May sorpresa ako sa ‘yo!” Ano kaya ang surprise ni Yaya kay Alden?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending