Jodi nabudol sa negosyo: Ang masakit, ako pa ang binantaan | Bandera

Jodi nabudol sa negosyo: Ang masakit, ako pa ang binantaan

Bandera |August 03,2019
facebook
share this

Jodi nabudol sa negosyo: Ang masakit, ako pa ang binantaan

Bandera - August 03, 2019 - 12:25 AM

JODI STA. MARIA

NABIKTIMA na rin ng panloloko at katrayduran ang Kapamilya award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.

Ito ang inamin ni Jodi sa nakaraang presscon ng Sino Ang May Sala para sa huling linggo nito sa ABS-CBN Primetime Bida. Dahil nga tungkol ito sa laglagan at katrayduran ng magkakaibigan, natanong ang cast kung may mga nanloko o nanglaglag na sa kanila.

Ayon kay Jodi, hinding-hindi niya makakalimutan ang taong naging partner niya sa business – siya na nga raw ang nabiktima pero pinagbantaan pa siya.

“I think lahat naman tayo at one point in our lives naka-experience tayo ng betrayal from somebody na close sa atin, kakilala natin, ka-negosyo natin. Or minsan sa mga tao na acquaintance lang natin,” simulang kuwento ng lead star ng Sino Ang May Sala?.

“But I believe siguro ‘yung pinakamasakit na klaseng betrayal na ma-eexperience ng isang tao ay ‘yung betrayal na manggagaling sa taong malapit sa ‘yo, ‘di ba?” aniya pa.

“Ano ‘to eh. Kasi sa business ‘to eh na nangyari sakin. May nakilala ako, pinagkatiwalaan ko siya, tapos nag-invest ako du’n sa negosyo niya. But then, alam mo ‘yung hindi niya binigay kung ano ‘yung dapat na sa akin,” masamang-masama ang loob na pahayag pa ng Kapamilya actress.

Pero ang pinakamasakit pa raw nito ay binaligtad pa siya ng taong ‘yun, “And then later on, nung kinakausap ko na siya, siyempre kailangan ko nga kunin ‘yung akin, siya pa ‘yung galit at nagbanta.”

Ipinagpasa-Diyos na lang daw niya ang lahat dahil baka kung ano pa ang magawa niya, “After nun, siyempre lesson learned na ‘yun sa akin. Pero wala rin naman ako ginawa. Ang ginawa ko na lang, sinurrender ko na lang siya. Ni-release ko na lang siya kay Lord. Sabi ko siya na ‘yung bahala.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending