Payo ni Roi Vinzon sa 2 anak na mga artista na rin: ‘Nasa attitude lahat, kasi sa showbiz hindi ka kukunin kapag masama ugali mo’
ANG palaging ipinapayo ng veteran actor at action star na si Roi Vinzon sa kanyang mga anak na nasa showbiz na rin ngayon ay ang maging professional at marespeto.
Napakahalaga raw ng dalawang katangiang ito sa isang artista para magtagal sa industriya at magkaroon ng maraming proyekto.
At ngayong pinasok na rin ng dalawa niyang anak na sina Lala at Antonio Vinzon ang mundo ng showbiz, hindi siya nagkukulang sa pagbibigay ng advice sa mga ito.
“Kapag bata ka, ‘yung attitude, ‘di ba? Ang attitude natin dapat baguhin talaga,” ang pahayag ni Roi sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Thursday.
View this post on Instagram
“Anything you do, attitude lahat. Kasi sa showbiz, hindi ka kukunin kapag masama ang ugali mo. Number one ‘yon,” pahayag ng beteranong action star.
Baka Bet Mo: Kim pinalayas ng kapatid sa bahay: Sabi niya, ‘Bahala ka na, malaki ka na!’ Parang eksena sa teleserye!
Sa isang bahagi ng panayam ni Tito Boy, nabanggit ni Roi ang tungkol sa mga artistang hindi nakakakuha ng mga projects dahil sa kanilang ugali, lalo na yung mga mahirap pakisamahan.
“Maraming magaling? Puwede nating turuan ‘yan. Walang masyadong pangalan? Bigyan natin ng pangalan. Pero mahusay makisama,” aniya.
View this post on Instagram
Kasama rin ni Roi na nag-guest sa “Fast Talk” ang mga anak na sina Lala at Antonio at doon nga sila nangako sa kanilang mga magulang na pagbubutihin ang trabaho sa napili nilang career.
“Hindi ko sila bibiguin, at itutuloy ko ang pangarap ko,” ayon kay Antonio.
Baka Bet Mo: Sunshine Cruz tinalakan ang netizen na nagsabing maarte at masama ang ugali niya: I will remember your face next time
Sey naman ni Lala, “Hindi ko maipapangako na magiging perpekto akong anak, pero habambuhay po akong sasandal sa kanila kahit kaya ko na ang sarili ko. Gusto kong iparamdam na nandiyan pa rin sila.”
Samantala, muling mapapanood si Roi sa upcoming Kapuso drama-action series na “Black Rider” na pagbibidahan nina Ruru Madrid, Yassi Pressman, Kylie Padilla at Katrina Halili.
Ka-join din sa serye sina Rainier Castillo, Empoy Marquez, Janus del Prado, Jayson Gainza, Matteo Guidicelli, Jon Lucas, Isko Moreno, Joaquin Domagoso at marami pang iba.
May special participation din sa “Black Rider” ang mga kapwa action star ni Roi na sina Monsour Del Rosario, Raymart Santiago at Gary Estrada.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.