INAMIN ni Lian Paz na magpasahanggang ngayon ay hindi gumagamit ng social media ang kanyang mga anak na sina Xalene at Xonia.
Sa kanyang panayam sa programang “Inay Ko Po” ay ibinandera ng dating dating dancer at ngayo’y businesswoman ng ilang sa kanyang mga parenting tips para sa kapwa mommies.
Ani Lian, maswerte rin daw siya dahil sa kabila ng pagkakaroon nila ng blended family ng fiancée na si John Cabahug ay maayos ang samahan nilang mag-anak.
Para sa mga hindi aware, bago ang kanilang pagsasama ay may mga anak siya sa unang asawang si Paolo Contis at ito nga sina Xalene at Xonia. Samantala, si John naman ay may anak rin na babae sa dati nitong relasyon.
“‘Yung talagang sa amin, ‘yung welfare lang ng mga bata ‘yung iniisip namin all the time. ‘Yun siguro I think ‘yung nag-work sa amin as blended family kasi iniisip namin kung ano ‘yung mabuti para sa kanila,” lahad ni Lian.
Ngunit kahit teenagers na ang kanyang mga anak ay wala pa ring official o sariling social media accounts ang mga anak.
Baka Bet Mo: Lian Paz proud na ibinandera ang achievements nina Xonia at Xalene, bet nang ipatanggal ang apelyido ni Paolo?
“Doon sa dalawa kasi [from] showbiz family… how do you protect them dahil alam naman natin na naging makulay ang buhay mo, ‘di ba? Like sa social media, sobrang daming nagko-comment,” tanong ni MJ Marfori.
Sagot ni Lian, “Thankful ako kay Lord kasi smart talaga ‘yung mga bata. Una sa lahat,?wala silang social media. ‘Yun talaga ang rule ko. Tinanggal ko talaga kasi alam ko ‘yun ‘yung pwedeng maging way para makita nila nang mas madali ‘yung mga bagay bagay tsaka ang bilis ng communication when it comes to social media.”
Hindi naman maiiwasang magkaroon ng social media ng dalawa ngunit ginagamit lang nila ito for school purposes at may access rin daw siya sa account ng dalawa.
Ipinaliwanag naman ni Lian kung bakit niya hindi pinapayagan na gumamit ng social media ang mga anak.
“Una, sabi ko sa kanila, ‘Girls, that’s why wala kayong social media kasi una sa lahat wala pa talaga sa tamang age. Even ‘yung gumawa niyan, hindi pinapagamit yung anak niya ng early kasi alam nila yung possible dangers ng social media.
“Number two, alam niyo na si mommy is showbiz before and your papa is showbiz before so mahirap na may mabasa kayo na mga content na hindi niyo magugustuhan… so sabi ko sa kanila, ‘wag na lang muna,'” sey ni Lian.
Hindi naman maiwasan nina Xonia at Xalene na magtanong lalo na at may mga social media ang mga kaibigan at classmantes nila.
“Anak kasi pwede sila kasi normal people lang din naman sila. Hindi ko rin naman masisisi ‘yung parents nila and di ko pwede i-compare ‘yung sarili kong parenting [style] to them. Sa ngayon, i-understand mo muna si Mama kasi may mga issues pa na hindi pa naso-solve,” paliwanag ni Lian.
Dagdag pa niya, “Alam mo yung mga bata talaga, minsan na-amaze ako sa kanila kasi minsan meron talaga silang paninindigan. May sarili silang sagot, mature sila at an early age. Siguro nakita nila kung paano ako… nakita nila yung hirap na pinagdaanan ko bago kami nakarating sa kung nasan man kami ngayon. Kaya pag may sinabi rin ako, parang mabilis lang din nila maintindihan kasi alam nila e.”
Related Chika:
Paolo Contis aminadong hindi nagbibigay sustento sa mga anak: I had my reasons
Lian Paz binalak mag-OFW para sa mga anak: Naiiyak ako ‘pag naiisip ko pa lang