Rendon Labador tutugisin sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin sa Japan: Salot sa lipunan!

Rendon Labador tutugisin sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin sa Japan: Salot sa lipunan!
MUKHANG desidido ang social media personality na si Rendon Labador na hagilapin ang controversial toy collector na si Yexel Sebastian at partner nitong si Mikee Agustin.

Nitong Miyerkules, October 11, nag-post si Rendon sa kanyang Facebook account patungkol sa dalawang social media personality.

“Tatago ka pa sa Japan? Hahanapin kita!!! Ikulong ang mag asawang scammer! Salot sa lipunan!!!” saad ni Rendon.

Matatandaang dumulog ang nagpakikilalang isa sa mga nag-invest kila Yexel at Mikee na si Amal Rosaroso sa programa ni Sen. Raffy Tulfo upang humingi ng tulong ukol sa kanyang in-invest na pera sa dalawa sa pag-aakalang kikita siya ng malaki ngunit dumating sa puntong hindi na raw siya sinasagot ng dalawa at naka-block na rin siya sa social media accounts ng dalawa.

Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatan si Yexel Sebastian: Nakita mo na ba itsura ng kulungan?

Matapos mag-trending ay agad na lumipad patungong Japan si Yexel kasama ang pamilya dahil nalalagay na raw sa alanganin ang seguridad ng kanyang pamilya dahil sa akusasyon ng umano’y ₱200M investment scam.

Kaya naman to the rescue si Rendon dahil marami sa mga netizens ang hindi makapaniwala na nalagpasan ng dalawa ang Bureau of Immigration.

Ayon naman sa ahensya, sa kabila ng pagdulog sa senador ng nagrereklamong investor ay walang departure order at derogatory record ang dalawa kaya nakaalis sila ng bansa.

Nag-post rin si Rendon sa kanyang Instagram story ukol sa controversial toy collector at dating miyembro ng Streetboys.

“Nakita mo na ba itsura ng kulungan?

“Tumakas ka pa papuntang Japan. Akala mo makakatakas ka sa akin?” matapang na sabi ni Rendon.

Binalaan rin niya si Yexel at sinabihang sulitin na nito ang mga araw na malaya siya.

“Wait ka lang. Magbakasyon ka hanggang kaya mo. Bilang na ‘yung masasayang araw mo!” hirit pa ni Rendon.

Related Chika:
Yexel Sebastian ipinagtanggol ang sarili kaugnay ng P200-M investment scam, kaligtasan ng pamilya nalagay raw sa alanganin kaya umalis ng Pilipinas

Rendon Labador lumaki sa kalinga ng ex-convict: Marami rin akong pinagdaanan sa buhay’

Read more...