Southwest Monsoon o ‘Habagat’ season natapos na

Southwest Monsoon o ‘Habagat’ season natapos na, ayon sa PAGASA

Pauline del Rosario - October 13, 2023 - 03:12 PM
Balita featured image

OPISYAL nang natapos ang pag-iral ng Southwest Monsoon o panahon ng Habagat sa ating bansa ngayong taon.

‘Yan ang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kamakailan lang.

Ayon sa inilabas na pahayag ng weather bureau, tuluyan nang humina ang epekto ng Southwest Monsoon nitong mga nagdaang araw.

Base rin sa analysis ng ahensya, nagsisimula na ang transition ng Northeast Monsoon o Amihan Season na maaari na ring ideklara sa mga susunod na araw.

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos idineklarang non-working holiday ang October 30

“The season in the Philippines is now in a gradual transition to the Northeast Monsoon (NE) season and may be apparent and declared in the coming weeks,” saad ng PAGASA.

Samantala, pinaalalahanan ng ahensya ang publiko na patuloy pa rin ang El Niño phenomenon kung saan maliit ang tsansa ng mga pag-ulan.

Ibig sabihin, mas malaki ang posibilidad na magdulot ito ng dry spells, drought o tagtuyot, at iba pang negatibong epekto sa kapaligiran na nauugnay sa init.

“With the ongoing El Niño, there is an increased likelihood of below-normal rainfall conditions, which could bring negative impacts (such as dry spells and droughts) in some areas of the country that will likely be manifested during the last quarter of the year up to the first quarter of 2024,” lahad ng state weather bureau. 

Ang El Niño ay nangyayari isang beses kada dalawa hanggang pitong taon.

Huli naranasan sa Pilipinas ang ganitong klaseng klima noon pang last quarter ng 2018 hanggang sa third quarter ng 2019.

Nitong nakaraan lamang, sinabi ng PAGASA na ang El Niño ay magtatagal hanggang sa first quarter ng taong 2024.

Para sa kaalaman ng marami, ang Habagat ay nagdadala ng mainit at mamasa-masa na hangin, habang ang Amihan ay nagdudulot ng malamig na hangin.

Read more:

Carla walang suot na wedding ring sa bagong vlog; ibinandera ang ‘heart’ tattoo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn natapos na ang pelikula nila ni Dolly: ‘Thank you for making this my happiest and most unforgettable shooting experience to date’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending