Sharon Cuneta nagbabala sa basher na iniisyu siya sa mga anak: Buhay n'yo asikasuhin n'yo! | Bandera

Sharon Cuneta nagbabala sa basher na iniisyu siya sa mga anak: Buhay n’yo asikasuhin n’yo!

Therese Arceo |October 11,2023
facebook
share this

Sharon Cuneta nagbabala sa basher na iniisyu siya sa mga anak: Buhay n’yo asikasuhin n’yo!

Therese Arceo - October 11, 2023 - 05:15 PM

Sharon Cuneta nagbabala sa basher na iniisyu siya sa mga anak: Buhay n'yo asikasuhin n'yo!

PINALAGAN ng Megastar na si Sharon Cuneta ang negatibong hanash ng isang netizen na pilit iniisyu ang relasyon niya sa kanyang mga anak.

Nag-post kasi ang Megastar sa kanyang Instagram page ng larawan ng dating letter sa kanya ng panganay na si KC Concepcion, anak nila ni Gabby Concepcion.

Makikita sa sulat ang pagiging sweet ni KC sa kanyang Mama Sharon.

Ayon sa sulat, “Love and kisses and hugs and smiles reminds me of you.”

Ayon sa post ni Sharon, naitabi niya ang karamihan sa mga sulat sa kanya ni KC at labis na rin ang kanyang pagka-miss rito.

Ngunit tila walang balak ang mga bashers na tantanan si Ate Shawie at tila nais na naman silang oag-away-awaying mag-iina.

Kaya naman hindi na pinalagpas ni Sharon ang nangnenegang netizen sa kanya.

Comment kasi ng netizen, “Then stop comparing ng mga anak mo.”

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta dinenay na may ‘paborito’ sa mga anak, nagsalita sa isyu nina Frankie at KC: Kung sino siyempre ‘yung lagi mong kasama… mayroon ka lang mas nakakasundo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Mukhang ang pinatutungkulan ng basher sa comment sa post ni Sharon ay sina KC at ang panganay nila ni Atty. Kiko Pangilinan na si Frankie.

Matatandaang noon pa man ay marami nang mga chikang mas paborito raw kasi ng Megastar si Frankie kaysa kay KC na siyang pinabulaanan niya sa ginanap na media conference para sa kanyang paparating na concert kasama ang ex-husband na pinamagatang “Dear Heart”.

“For the record sa ‘yo at sa mga kasing kitid mo mag-isip – KAYO ang nagpipilit na ikumpara ang mga anak ko, hindi AKO,” maanghang na sagot ni Sharon.

Pagpapatuloy nito, “Tumigil na kayo at di kayo nakakatulong. Plus, WALA KAYONG HALAGA SA AMIN NA OBVIOUSLY GUSTO NYA MAGING MAHALAGA SA BUHAY NAMIN NANG WALA NAMAN KAYONG KARAPATAN O GINAWA KUNDI MANIRA.”

Binuweltahan pa ni Sharon na imbes na buhay nilang mag-iina ang pagtuunan ng pansin ay ang sariling buhay ng basher ang asikasuhin.

“Buhay n’yo asikasuhin n’yo at WALA kayong kaalam-alam sa pinagdadaanan namin ng matagal na. Puro kayo tagpi-tagpi o ginagawa,” sey ng Megastar.

Maging ang ilang supporter ni Sharon ay rumesbak rin sa hindi magandang komento ng naturang netizen.

“Grabeng pakialamera nito… konting hiya girl… feeling marunong ka pa sa nanay,” saad ng isang follower ng Megastar.

Comment naman ng isa, “Ano connection yang comment mo sa post ni Sharon. Seems you are such a negative perdon. Instesd of sering the good, you chose to be mean. In the first place, what fo you know of their life aside from what you read on social media. Surprising coz mukha ka naman edukado.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“and you should stop sa pangingialam mo. in most cases, you will NEVER know what truly goes on behind the scenes. be objective and accept that your opinions have no place in private matters. just wish them well. asikasuhin mo nalang yung afam at anak mo,” banat pa ng isa.

Related Chika:
Sharon Cuneta tuloy ang swerte sa 2023; gagawa na ng 2 serye at 3 pelikula sa Pinas, may 3 bonggang project pa sa Hollywood

Sharon Cuneta super love si Julia Montes: Sana ako na lang nagsilang sa ‘yo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending