Payo nina Maricel at Anthony sa mga magdyowa: Ang motto namin, ‘let’s not fight each other, let’s fight together…hindi tayo magkaaway’
SIGURADONG maraming natutunan ang mga magdyowa at mag-asawa sa mga ibinahaging tips nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan para mas mapainit at mapatatag pa ang pagsasama.
Nagdiriwang ng kanilang ika-30 taon bilang mag-asawa sina Maricel at Anthony at in fairness, talaga namang isa sila sa mga showbiz couple na matatawag na “#RelationshipGoals.”
Sa guesting nila sa “Magandang Buhay” nitong nagdaang Lunes, nag-share sina Maricel at Anthony ng ilang advice para mas mapatibay pa ang relasyon.
“Ang motto namin ni Anthony, let’s not fight each other, let’s fight together. Magkakampi kayo, hindi kayo magkaaway,” ang simulang pagbabahagi ni Maricel.
“Number 1, kapag nag-aaway kayo itanong mo sa sarili mo tama ba na pag-awayan niyo pa ‘yon? Kasi choose your battles.
“Kung ‘di kailangan, huwag na, at kung tama ka, dapat ilaban mo. Pangalawa, humanap ka ng kasangga, Panginoon o mentor.
“Isumbong mo sa isang tao na pwede mong takbuhan that you both respect. And pangatlo, patalo ka paminsan-minsan. So TIP, T- tama ba?, I- isumbong mo sa nakakatulong, at pangatlo, P- patalo ka paminsan-minsan,” ang pahayag naman ni Anthony.
View this post on Instagram
Kasunod nito, nagbigay din ng mensahe sa isa’t isa ang mag-asawa para sa kanilang 30th wedding anniversary.
Sani ni Anthony, “Siguro kung nasa 42 kilometers run tayo, sabi namin ni Maricel eh, nasa 30 na kami.
“But I hope the last 10 kilometers, 12 kilometers will still be the best. Alam mo totoo ito ha, in my epitaph ang gusto ko ang nakasulat sana ‘He love Maricel ’till the end.’
“Totoo ‘yon. Kasi starting strong is great, but finishing strong that’s epic, ‘yun ang gusto natin,” mariing sabi pa ni Anthony.
Ang message naman ni Maricel sa kanyang mister, “Honey, thank you for loving me the way that you do.
“And, I am so excited for many more years to come with you. And today I celebrate you because you are really the love of my life,” aniya pa.
Ikinasal sina Maricel at Anthony noong December 19, 1993 at biniyayaan ng limang anak kabilang na si Donny Pangilinan.
Beauty Gonzalez nakipag-ayos na sa ina; pinayuhan ni Maricel Laxa
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.