Dasal ni Lucy Torres noon: Give me a good husband pero kung pwede bigyan mo ako ng kamukha ni Richard Gomez | Bandera

Dasal ni Lucy Torres noon: Give me a good husband pero kung pwede bigyan mo ako ng kamukha ni Richard Gomez

Ervin Santiago |June 20,2022
facebook
share this

Dasal ni Lucy Torres noon: Give me a good husband pero kung pwede bigyan mo ako ng kamukha ni Richard Gomez

Ervin Santiago - June 20, 2022 - 11:45 AM

Richard Gomez at Lucy Torres

PINATUNAYAN ni Lucy Torres na kapag may hiniling at ipinagdasal ka nang bonggang-bongga kay Lord ay talagang matutupad at ipagkakaloob sa ‘yo.

In fairness, isa sa mga celebrity couple na talaga namang #RelationshipGoals ang pagsasama nina Richard at Lucy na iniidolo ng maraming mag-asawa ngayon.

Sa isang panayam nga, binalikan ng actor-politician ang pagsisimula ng love story nila ni Lucy kung saan ibinuking niya ang asawa na 12 years old pa lang ito ay crush na crush na siya nito.

Nagkakilala ang power couple sa Lake Caliraya nang gawin nila ang isang TV commercial para sa isang brand ng shampoo taong 1993 at nang ma-love at first sight nga sa isa’t isa nagdesisyon nang magpakasal ng 1998.

Sa panayam kay Congressman Richard ng “Updated with Nelson Canlas”, inalala niya yung araw nang mapatunayan niya na talagang patay na patay sa kanya si Lucy nang makapasok siya sa dating bedroom nito sa Ormoc, Leyte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gomez 🇵🇭 (@richardgomezinstagram)


Nangyari raw ito noong 1991 nang bagyuhin ang Ormoc kung saan naapektuhan din ang bahay doon nina Lucy. Doon niya nakita ang mga litrato niyang nakadikit sa cabinet ni misis.

“Totoo. Totoo talaga. Binaha ‘yong bahay nila so they decided to move do’n sa subdivision dito sa Ormoc City na ginawa ng lolo niya. And then ‘yong bahay na ‘yon, minaintain pa rin nila. Pero alam mo ‘yong inabandon nila, hindi talaga pininturahan, iniwan lang siya,” kuwento ng kongresista.

Patuloy pa niya, “So noong dumaan kami, sabi niya, ‘this is where we used to live.’ Sabi niya ‘halika, pakita ko sa ‘yo.'”

Kitang-kita raw niya na tila hiyang-hiya si Lucy nang papasok na sila sa kwarto, “Alam mo ‘yung napahinto siya na gano’n. ‘This is my room,’ tapos nakagano’n siya. And then na-realize niya siguro na ‘hindi ko pa natatanggal ‘yong mga cutouts na pinaste ko sa cabinet.'”

Tanong daw siya nang tanong kay Lucy kung ano ang nangyayari,  “Pagbukas tawa siya nang tawa kasi nu’ng nakita ko talaga, nandoon ‘yung GMA pictures ko, nakadikit do’n sa cabinet. Iba-ibang mga photos ko from different movies, from different TV shows.”

Kuwento pa ni Goma, talagang ipinagdasal daw ni Lucy na magkaroon ng asawa, “Sabi niya, ‘Lord kung mag-aasawa ko, give me a good husband. Yon ang number 1, give me a good husband.

“Pero kung pwede bigyan mo ko ng kamukha ni Richard Gomez. Tapos kung talagang papalarin Lord, si Richard Gomez na talaga ‘yong ibigay mo sakin.’ Talagang ipinagdasal niya,” lahad ng veteran actor.

“Ipinagdasal niya talaga ko sa Panginoon. Siguro that was what brought me here to Ormoc City, that was what brought me to Lucy, ‘yong mga dasal niya,” sabi pa ni Goma.
https://bandera.inquirer.net/287209/lucy-may-ibinubulong-kay-richard-kapag-uma-attend-ng-kasal-hala-tutulo-na-ang-luha-niyan

https://bandera.inquirer.net/291250/lucy-torres-maraming-natutunan-nang-magka-covid-si-goma-para-akong-nanay-niya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294595/richard-nagsalita-na-kung-bakit-hindi-tatakbong-senador-si-lucy-sa-eleksyon-2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending