Direktor ng ‘Ring’ muling mananakot sa bagong Japanese horror na ‘The Forbidden Play’; demonyo muling maghahasik ng lagim
ISANG taimtim na hiling mula sa nagluluksang bata ang magdudulot ng matinding kilabot sa pelikulang “The Forbidden Play”.
Ito ay mula sa direksyon ni Hideo Nakata na nagpasimula ng “Japanese horror boom” dahil sa tagumpay ng kanyang 1998 movie na “Ring”.
Sa kanyang pagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina na si Miyuki, hiniling ng 7-taong-gulang na si Haruko na makita niya muli ito, sabay sambit nang paulit-ulit ng mga katagang “Eloim, Essaim! Eloim, Essaim!”
Baka Bet Mo: Nadine payag makatambal uli si James: Why not? Hindi naman kami magkaaway
Ilang sandali lamang ay gumalaw ang lupa na pinaglibingan niya ng daliri hanggang sa lumabas na nga ang isang elemento mula rito.
Nasaksihan naman ito ni Hiroko, isang video director na dating katrabaho ni Naoto, ang ama ni Haruko at asawa ni Miyuki.
Nang malaman ni Hiroko ang tungkol sa pagkamatay ni Miyuki, muli itong nakipagkita kay Naoto. Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit pagkatapos ng kanilang pagkikita ay nakararanas na siya ng mga nakagagambalang mga bagay.
View this post on Instagram
Habang nagluluksa rin si Naoto ay nakakaranas rin siya ng matinding pagkabalisa.
Tulad ni Haruko, marami ring nangyayari sa kanya na hindi niya maipaliwanag, tulad ng mga tawag sa telepono, pagbiyak ng mga babasagin, ang pakiramdam na may nakatitig at nagmamatyag, pagsanib – na lahat pala ay gawa demonyo.
Baka Bet Mo: Sagot ni Andrea sa tanong ni Vice kung keri pa niyang magdyowa ng basketball player: ‘Ayoko na muna sa kahit na sino’
Habang palala nang palala ang mga nakagigimbal at nakakikilabot na pangyayari, mapapaisip ka na lang kung ano nga ba ang sanhi ng walang hanggang kalupitan ng multo ni Miyuki.
Napanood na namin ang “The Forbidden Play” sa naganap na special screening nito kamakalawa ng gabi at in fairness, napasigaw at napaisip din kami sa mga ginagawang paghihiganti ng multo ni Miyuki.
Magandang panoorin ito sa sinehan ng mga magtotropa at magbabarkada dahil siguradong magkakatakutan kayo nang bonggang-bongga!
Ang pelikulang ito ay hango sa nobelang “Kinjirareta Asobi” ni Karma Shimizu, unang lumabas noong 2019. Nakatanggap ito ng maraming papuri at umabot na sa lampas na 100,000 kopya ang nailathala.
Ang “The Forbidden Play” ay pinagbibidahan ng mga in-demand na artista ng Japan na sina Hashimoto Kanna bilang si Hiroko, Shigeoka Daiki bilang si Naoto, at ang singer-actress na si First Summer Uika bilang si Miyuki.
Showing na ito ngayong araw, October 11, sa mga pangunahing sinehan sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.