Sagot ni Andrea sa tanong ni Vice kung keri pa niyang magdyowa ng basketball player: ‘Ayoko na muna sa kahit na sino’
AYAW magsalita nang patapos ng controversial young actress na si Andrea Brillantes nang matanong kung never na siyang magdyodyowa ng basketball player.
Mukhang hindi naman isyu sa Kapamilya star na isang cager ang ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero dahil hindi pa rin naman niya isinasara ang kanyang puso sa kahit sinong lalaki, nasa showbiz man ito o nasa amateur at professional basketball league.
Sa pakikipagchikahan kasi ni Andrea sa Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda na mapapanood sa YouTube channel nito, napag-usapan nila ang ugali at mga qualities ng mga tulad niyang Gen Z.
Isa sa mga naitanong ni Vice sa dalaga ay kung ayaw na ba niya sa isang basketball player tulad ni Ricci, “Beshy, ayaw mo na sa basketball player?”
View this post on Instagram
“Ayaw ko na muna sa kahit na sino,” ang mabilis na sagot ng lead star ng iWantTFC digital series na “Drag You & Me”.
Katwiran ni Andrea, “Kasi baka malay mo the one for me talaga is matinong basketball player, pero ngayon hindi talaga. Wala muna.”
Sey naman ni Vice, feeling niya parang ganu’n daw talaga ang mga bagets pa dahil nasa immature stage pa sila ng kanilang mga buhay. Medyo padalus-dalos kapag nagdesisyon.
Baka Bet Mo: True ba, laging si Andrea Brillantes ang nagbabayad sa date nila ni Ricci Rivero?
Hirit pa ni Vice sa kanyang beshy, “Bakit hindi ka magdyowa ng coach, ng manager, o kaya commissioner ng PBA (sabay tawa), para medyo mature na siya!”
Tawa lang nang tawa si Andrea sa hirit ni Vice Ganda. Pero sa huli, ipinagdiinan ng ex-dyowa ni Ricci na pagtutuunan muna niya ang kanyang sarili at career bago makipagrelasyon uli.
Naging kontrobersyal ang breakup nina Andrea at Ricci na pinaniniwalaang may third party involved sa nawasak nilang relasyon.
Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga Marites kung sino ang babaeng nakatapis ng tuwalya na nabidyuhan umano ni Andrea sa loob mismo ng condo unit ni Ricci.
Nauna rito, sinagot din ni Andrea ang tanong ni Vice kung paano ma-in love ang beshie niyang Gen Z, “Todo po ako as in, actually bakla akong magmahal, bakla rin akong magregalo sobra, hay!” sabay takip ng bibig ni Andrea.
View this post on Instagram
Natawa naman ang “Showtime” host, “Ha-hahahaha! Bigla siyang nahiya! Parang bigla niyang (naisip) ‘oh my God mahal ‘yung nabigay ko.’
Sey ni Blythe, “Ay mahal po talaga. Ha-hahahaha!”
Kaya natanong ni Vice kung ano ang pinakamahal na naibigay ng dalaga kay Ricci, “Siguro po umabot ng milyon.”
“Oh my gosh! Anong stuff ‘yan?” tanong ulit ng host.
“Hindi po siya actually bagay… (singit ni Vice kung insurance ito) hindi po,” say ni Andrea.
At nag-voice over ang kapatid ng dalaga na sinabing isinama niya si Ricci sa isang project niya at sa kanya ibinawas ang talent fee.
“Ang taray!” sambit ni Vice.
“Ganu’n ako mag-love, eh,” katwiran ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.