Sylvia, Lorna, Ria sumugal sa Japanese mystery-drama na 'Monster'; lead star ng 'Miracle in Cell No. 7' makakalaban ni Arjo sa Asian Content Awards 2023 | Bandera

Sylvia, Lorna, Ria sumugal sa Japanese mystery-drama na ‘Monster’; lead star ng ‘Miracle in Cell No. 7’ makakalaban ni Arjo sa Asian Content Awards 2023

Ervin Santiago - October 08, 2023 - 07:20 AM

Sylvia, Lorna, Ria sumugal sa Japanese mystery-drama na 'Monster'; lead star ng 'Miracle in Cell No. 7' makakalaban ni Arjo sa Asian Content Awards 2023

Sylvia Sanchez, Rila Atayde at Lorna Tolentino

NAINTINDIHAN at na-gets na namin kung bakit sumugal ang magkaibigang best actress na sina Lorna Tolentino at Sylvia Sanchez sa Japanese mystery-drama na “Monster.”

Napanood na namin ang pelikula sa ginanap na celebrity screening nito sa SM Megamall Cinema 3 last Tuesday, October 3, na dinaluhan nga ng mga kilalang artista at iba pang sikat na personalidad.

Siyempre, present din ang magkaibigang producers na sina Ibyang at LT na siya ngang nagdala sa Pilipinas ng “Monster” para mapanood ng mga Pinoy.

Ang “Monster” na idinirek ni Kore-eda Hirokazu, ay isang family drama na tumatalakay sa isang pamilya na humaharap sa  pagsubok na may kauganayan sa isyu ng bullying.

Ayon kay Sylvia, na-curious daw sila sa naturang Japanese movie dahil pinipilahan ito sa 76th Cannes International Film Festival na ginanap sa France.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nathan Studios Inc. (@nathan.studios)


Nakuha nito ang Best Screenplay award sa Cannes para sa kilalang Japanese director-screenwriter na si Yûji Sakamoto at composer Ryuichi Sakamoto.

Kaya naman binili nga nina Ibyang at LT ang rights nito para maipalabas sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanilang Nathan Studios.

Pahayag ni Sylvia, “Binuo ko lang itong Nathan para sa mga anak ko. Pero ngayon, sabi nila, ‘Mommy, nandiyan ka naman, ikaw na muna.’

“Pero sabi ko sa kanila, ‘Pag-aralan niyo na kasi sa inyo ito. Kaya ko ito ginawa. Pero sila yung nagsasabi sa akin, ‘Mom, maganda yan, eto medyo hindi.’ Silang magkakapatid.

“Marami na kaming nabiling pelikula abroad na de kalidad talaga,” kuwento ni Sylvia sa panayam ng press.

Proud namang ibinahagi ni Lorna na malaki ang impluwensiya at role ni Sylvia sa muling pagsabak niya sa pagpo-produce.

Baka Bet Mo: Japanese horror movie na ‘Immersion’ pinagsama ang ‘real’ at ‘virtual’ world; alamin ang misteryo sa isinumpang isla

“Sana maging excited din ‘yung mga manonood kasi excited din kaming ihatid sa kanila ang pelikulang ‘Monster,’” sabi ni Lorna.

“Noong nagtungo kami sa Cannes, hindi namin mapanood dahil pinipilahan siya para mapanood. So, sabi namin ano ang pelikulang iyan? Ano ang istorya niyan?

“Hanggang sa nakita namin ang trailer at sinuwerte kami na maipadala itong ‘Monster’ dito ngayon sa atin,” ani LT.

Nakatanggap na ng award abroad ang pelikulang ito at naniniwala kapwa sina LT at Sylvia na maraming Pinoy ang tiyak na makare-relate at mata-touch dahil sa istoryang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nathan Studios Inc. (@nathan.studios)


“Nagpapasalamat ako na isinama ako ni Sylvia na maging partner niya sa Nathan Studios. Noong nalaman ko na nagpo-produce na sila (Nathan Studios) ng mga pelikula, sabi ko kay Sylvia, turuan niya ako kung paano mag-produce para matutunan ko rin.

“Sabi niya sumama ako sa Cannes, dahil ibang klase na ngayon ang pagpo-produce. At noong nandoon nga kami pinipilahan itong ‘Monster.’ Bale ito ang first venture namin together at mayroon pa kaming mga darating na pelikula,” sabi pa ni LT.

Pagmamalaki pa ni Sylvia, “Magaling na direktor si Hirokazu Kore-eda. Ang galing-galing niya. At saka itong ‘Monster’ kasi parang Pinoy movie na tumatagos sa puso.

“At goal ng Nathan Studios (na si Ria Atayde ang CEO) ay mag-produce ng sariling pelikula rito sa Pilipinas. Naniniwala kami na maraming magagaling na actors na hindi nabibigyan ng pag-asa, na hindi nabibigyan ng chance.

“Gusto naming i-showcase at dalhin abroad ang ating mga pelikula. At the same time bibili rin kami ng pelikula sa abroad na alam naming matatanggap ng mga Pinoy at matututo tayo at lalawak ang ating kaalaman tungkol sa mga pelikula,” sey pa ng premyadong aktres.

Na-curious din si Ria Atayde, CEO ng Nathan Studios sa pelikulang “Monster.” Bukod sa rekomendado, “The filmmaker that worked on this, he also did ‘Shoplifters’ in 2018 and that’s one of my favorite international films.

“So I feel like that really kind lit a fire and it encouraged everybody else in the group to acquire the film,” aniya.

Mapapanood na ang “Monster” sa mga sinehan nationwide simula October 11.

Ilan sa mga nagpakita ng suporta kina Sylvia at LT sa naganap na celebrity screening ng “Monster” ay sina Angel Aquino, Ricky Davao, Isabel Rivas, Ara Mina, Ynez Veneracion, Mon Confiado, Elijah Canlas, Jane Oiñeza, RK Bagatsing, JK Labajo at ang direktor na si Richard Somes.

Samantala, mismong si Sylvia na ang nagsabi na nahigitan na siya ng anak na si Arjo pagdating sa galing sa aktingan.

“Aminado ako and thankful ako, kasi anak ko ‘yon,” sabi ni Ibyang na proud na proud sa pagkakapili sa aktor bilang bet ng Pilipinas sa Best Actor in a Leading Role category (Cattleya Killer) sa Asian Academy Awards 2023 na gaganapin sa Singapore sa December.

Bukod dito, nominado rin ang aktor bilang Best Lead Actor sa pareho ring TV series sa Asian Content Awards (ACA) 2023 na magaganap ngayong October 8 sa Busan, South Korea.

Kaya talagang super excited si Sylvia sa mga pagkilalang natatamo ng kanyang panganay lalo pa ang nomination sa Busan na first time na may na-nominate na Pinoy sa Best Actor.

Mas natuwa pa siya dahil makakalaban ng anak ang idolo niyang si South Korean actor Ryu Seung-ryong para sa K-drama na “Moving.”

“Isa sa matinding kalaban ni Arjo, natutuwa ako, kasi idol ko rin, si Ryu Seung-ryong, ‘yung lead star ng ‘Miracle in Cell No. 7.’ Ang gagaling ng mga kalaban niya,” ani Ibyang na nagsabing lilipad sila patungong Busan at Singapore.

Sylvia, Lorna, Ria sanib-pwersa sa Japanese drama na ‘Monster’: ‘Talaga namang nakakadurog ng puso!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lana Condor ibinida ang ‘girl power’ sa bagong animated film, binuhay ang karakter ng sea monster

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending