Maja Salvador ‘super ready’ nang magka-baby kay Rambo Nuñez

Maja Salvador ‘super ready’ nang magka-baby kay Rambo Nuñez: ‘Pwede na ibigay ni Lord anytime!’

Pauline del Rosario |October 07,2023
facebook
share this

Maja Salvador ‘super ready’ nang magka-baby kay Rambo Nuñez: ‘Pwede na ibigay ni Lord anytime!’

Pauline del Rosario - October 07, 2023 - 10:39 AM
Maja Salvador ‘super ready’ nang magka-baby kay Rambo Nuñez: ‘Pwede na ibigay ni Lord anytime!’
PHOTO: Instagram/@maja

MUKHANG umaasa nang magkaroon ng first baby ang TV host-actress na si Maja Salvador sa asawa niyang businessman na si Rambo Nuñez.

‘Yan ang naging pahayag ng aktres matapos siyang tanungin ng talent manager at comedian na si Ogie Diaz sa naganap na ABS-CBN Ball 2023.

Ayon pa nga sa aktres, kahit anong oras ay handang-handa na siyang magkaanak.

“Kung kailan ibigay,” sagot ni Maja habang nasa tabi niya ang kanyang mister.

Sinabi rin ng aktres na nakapag-ipon na siya para sa future kaya oras na raw upang mabigyan siya ng blessing na magka-baby.

Sambit niya, “Kasi I’m turning 35 this year…20 years na akong yumuyugyog nang yumuyugyog, sayaw dito, sayaw do’n, acting.”

“Ang tagal namin nagtrabaho ng para sa amin, sa future. So this time, pwede na ibigay anytime. We’re ready,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Janella Salvador super happy sa kasal nina Maja at Rambo: My parents are married!

https://www.instagram.com/p/CuJn3ChPvXL/

Kung matatandaan, taong 2019 nang maging mag-dyowa ulit sina Maja at Rambo makalipas ang siyam na taong hiwalay.

Noong nakaraang taon naman nang ma-engage silang dalawa at nitong Hulyo lamang ay ikinasal sila sa Bali, Indonesia.

Star-studded ang kanilang wedding na dinaluhan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, John Lloyd Cruz, Joshua Garcia, Janella Salvador, Kakai Bautista, at ang bagong kasal ding sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Present din sa Big Day nina Rambo at Maja ang celebrity couple na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, MJ Lastimosa, Pooh, Laureen Uy, Miles Ocampo, ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen, at marami pang iba.

Nauna nang sinabi ni Maja sa isang interview na naniniwala sila sa “destiny” at pakiramdam niya ay ito ang naging dahilan kung bakit sila nagkabalikan ni Rambo.

“Kasi I think that the whole time na wala kami, made us who we are today,” sey ni Maja sa dating panayam.

Paliwanag niya, “Kasi kung hindi [nangyari ‘yun] baka immature pa kami in a relationship.”

“I think we have to go through din mga heartbreaks, failed relationships, for you to understand kung ano talaga ang hinahanap mo. Parang destiny really brought us together,” dagdag niya.

Related Chika:

Liza Soberano may bagong gimik sa YouTube, sey ni Ogie Diaz: ‘Kung happy siya ibigay na natin sa kanya’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makagwapo may kundisyon bago ibigay ang P349k, Xander Ford umalma: ‘Bakit ikaw ang nagdedesisyon?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending