Niño hindi tinulungan ang panganay na si Sandro Muhlach sa pagpasok sa showbiz; nadiskubre na may anak pa pala sa ibang babae | Bandera

Niño hindi tinulungan ang panganay na si Sandro Muhlach sa pagpasok sa showbiz; nadiskubre na may anak pa pala sa ibang babae

Ervin Santiago - October 01, 2023 - 07:05 AM

Niño hindi tinulungan ang panganay na si Sandro Muhlach sa pagpasok sa showbiz; nadiskubre na may anak pa pala sa ibang babae

Niño Muhlach, Sandro Muhlach, Alonzo Muhlach at Karen Davila

WALANG anumang sama ng loob ang panganay na anak ni Niño Muhlach na si Sandro kahit hindi siya tinulungan nito sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz.

Ayon kay Sandro, na isa na ngayong certified Sparkle artist ng GMA 7, never niyang ginamit ang kanyang ama nang magdesisyon siyang pumasok sa pag-aartista.

Kuwento ng Kapuso newbie, nais daw kasi niyang gumawa ng kanyang sariling pangalan sa entertainment industry na walang tulong ng kanyang amang aktor at dating child wonder.

“Saka parang hindi po nila alam that time, ‘yung mga tao, hindi nila alam na may panganay pa si Niño Muhlach so I was like always left behind before,” paliwanag ni Sandro sa panayam ni Karen Davila na mapapanood sa YouTube channel nito.

Pagbabahagi pa ng young actor, “Siyempre, may time na sobrang sumikat si Alonzo. I’m always in the background, pero wala naman pong ano sa akin ‘yun, more on I want to make a name for myself.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niño Muhlach (@oninmuhlach)


Bilib na bilib naman si Niño sa tapang at pagiging independent ng panganay na anak, “One thing I admired about Sandro, I never, kumbaga hindi naman gusto lahat mag-showbiz.

“Pero gusto niya talaga mag-artista e, so ang ginawa ko, hindi ko siya tinutulungan,” sabi pa ng aktor.

Aniya, solong nagpunta si Sandro sa GMA para mag-audition at walang special treatment na ibinigay sa kanyang anak, “I never called anyone, I never asked for help.”

Isa raw sa mga paalala kay Sandro ng kanyang tatay, “Sabi niya, ‘Sandro, I think darating ‘yung time mo.’ Like he always encourages me na parang ‘gagawin mo ‘yan all by yourself and lahat ‘yun magpe-pay off.’”

Samantala, naibahagi rin ni Niño sa panayam ni Karen ang tungkol sa isa pa niyang anak sa ibang babae, “Nalaman ko lang po na may daughter ako, 13 years old na siya. Kasi nagkita kami ng mommy niya sa isang party.”

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa patutsadang mas mayaman sa kanya si Sandro Marcos: Saan galing ang kayamanan?

Tanong ni Karen, “You didn’t know na nabuntis mo ‘yung model?”

“Yes po. Kasi we separated ways, e,” sagot ni Niño.

“And then?” sundot ni Karen.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Niño Muhlach (@oninmuhlach)


“And then she get married,” sey ng aktor.

“Anong naging reaksiyon mo?” sabi uli ni Karen.

“Na-shock ako siyempre,” tugon ni Niño.

Naramdaman daw talaga niya ang lukso mg dugo nang makita niya ang anak, sa kauna-unahang pagkakataon, “Noong nakita ko, e, kamukhang-kamukha ko po, e. Kaya talagang walang kaduda-duda po.”

Ayon sa aktor, nasa US Navy ngayon ang kanyang anak na babae at nakabase sa Naples, Italy.

Sa kasalukuyan, kasama ni Niño ang partner niyang si Diane Abby Tupaz at ang anak nilang si Alonzo pati na si Sandro, ang bunga ng pagsasama nila ng kanyang unang asawa na si Edith Millare.

Sandro Marcos may dyowang taga-showbiz, sino nga kaya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alexa Miro sa tunay na relasyon nila ni Sandro Marcos: ‘Hindi siya nanliligaw, he’s one of my closest friends!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending