Pelikulang ‘Lost in the Stars’ may hatid na kakaibang suspense

Pelikulang ‘Lost in the Stars’ may hatid na kakaibang suspense

Pauline del Rosario - September 28, 2023 - 06:23 PM

Pelikulang ‘Lost in the Stars’ may hatid na kakaibang suspense

PHOTO: Courtesy Encore Films

KUNG kakaibang thriller film ang gusto niyong saksihan, palabas na sa mga lokal na sinehan ang Chinese movie na “Lost in the Stars.”

Ito ay isang adaptation movie mula sa ‘90s Russian film na pinamagatang “A Trap for the Lonely Man.”

Ang pelikula ay tungkol sa isang couple na nagdiriwang ng wedding anniversary, ngunit imbes na maging masaya ay tila nauwi ito na parang bangungot.

Napanood ng BANDERA ang pelikula at talaga namang nakakabilib ang mga kaganapan at eksena sa thriller film.

Baka Bet Mo: Moira dela Torre sinagot kung ‘babalik’ nga ba kay Jason Hernandez: Nope

Mag-uumpisa ang kwento nito sa isang mister na ilang buwan nang hinahanap ang kanyang misis sa isang isla na pinuntahan nila upang mag-celebrate.

Ni-report ito ng mister sa mga pulis ngunit ito ay na-dismiss agad dahil sa kakulangan ng ebidensya.

At sa gitna ng kanyang paghahanap, may isang babae ang biglang nagpakilala na misis niya ngunit pilit naman niya itong itinatanggi.

At diyan na nga mag-uumpisa ang kalbaryo ng paghahanap ng lalake upang matuklasan ang tunay na nangyari sa kanyang asawa.

Ayaw naman namin ma-spoil ang pelikula dahil gaya nga ng sinabi namin, kakaiba talaga ang storyline nito.

Marami itong twists sa kwento at ang ending ay talaga namang out of the blue na hindi mo maiisip na mangyayari. Kaya mas mainam na rin kung kayo na mismo ang makatuklas kung ano nga ba ang nangyari sa nawawalang misis.

Kahit ang bida na si Zhu Yilong, sinabi niya sa isang panayam na bago sa kanya ang ginampanang karakter.

“As I began reading, my heart was calm and steady. But as I reached the end, I couldn’t help but gasp in shock — the ending was completely unexpected,” sey niya.

Chika pa niya, “The character intrigued me greatly. He is vastly different from me, making the role one that I have never done before.”

Bukod kay Zhu na gaganap bilang He Fei, tampok rin sa pelikula ang Chinese actors na sina Ni Ni bilang Shen Man, Janice Man gaganap bilang Li Muzi at Du Jiang as Zheng Cheng.

Para sa kaalaman ng marami, ang “Lost in the Stars” ang isa sa biggest hit sa China na nakakalikom na ng US$485 million o mahigit P27 billion sa box-office worldwide.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tambalang Donny-Belle may kakaibang magic; mas naging close sa ‘He’s Into Her’

Jose Mari Chan ibinunyag ang proseso sa paggawa ng kanta, payo sa mga batang musikero: Don’t lose it completely…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending