Alden member na ng Board of Trustees ng MOWELFUND; may eksenang idinirek sa pelikula nila ni Julia, ano kaya yun? | Bandera

Alden member na ng Board of Trustees ng MOWELFUND; may eksenang idinirek sa pelikula nila ni Julia, ano kaya yun?

Ervin Santiago |September 28,2023
facebook
share this

Alden member na ng Board of Trustees ng MOWELFUND; may eksenang idinirek sa pelikula nila ni Julia, ano kaya yun?

Ervin Santiago - September 28, 2023 - 07:42 AM

Alden member na ng Board of Trustees ng MOWELFUND; may eksenang idinirek sa pelikula nila ni Julia, ano kaya yun?

Alden Richards

MULING pinatunayan ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang pagmamahal at concern niya sa showbiz industry.

Isa si Alden sa mga celebrities na talagang mula noon hanggang ngayon ay tumutulong at nagpaparamdam ng pag-aalala sa mga taga-showbiz.

Kaya naman agad siyang pumayag nang kunin siya bilang pinakabagong Board of Trustees member ng Movie Workers Welfare Foundation, Inc. o MOWELFUND.

Sa mga hindi pa masyadong aware, ang MOWELFUND ay isang organisasyong tumutulong at nagbibigay suporta sa mga nagtatrabaho sa movie industry.

Ito’y pinangungunahan ng president at CEO na si Rez Cortez, kasama ang iba pang board members ng grupo tulad nina Gina Alajar at Boots Anson Roa, na talagang personal na dumalo sa oath taking ni Alden.

“Naghahanap na talaga ako ng ways paano ba ako makakapagbigay pabalik sa isang ndustriya na nagpabago ng buhay ko. ‘Yun, binigay sa akin ni Lord si MOWELFUND,” ang pahayag ng Kapuso actor sa panayam ng “24 Oras.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)


Samantala, super excited na rin si Alden sa nalalapit na showing ng upcoming movie nila ni Julia Montes na “Five Breakups and a Romance” kung saan isa rin siya sa mga producer.

Baka Bet Mo: Alden Richards gustung-gustong magpakalbo pero bawal; Julia naniniwalang panglaban sa Hollywood ang mga Pinoy

At bukod sa pagiging hands-on producer and actor, nagdirek din siya ng isang eksena sa pelikula. Bigla na lang daw siyang nilapitan ng kanilang direktor na si Irene Villamor at sinabihang idirek ang isang eksena.

“Si Direk Irene came up to me, nasa Singapore kami nu’n, ‘Idirek mo ‘yan,’ tapos umalis. ‘Okay po.’ Tayo agad ako, punta ako sa AD (assistant director), punta ako sa DOP (director of photography) namin.

“Ganu’n siya e. Pupuntahan namin ‘yung location, babasahin namin ‘yung script, ano ‘yung elements na incorporated sa script na puwedeng maging additional detail for the scene, the framings, the blockings of the actors, basta lahat ‘yun,” pagbabahagi pa niya.

Pangako ng Pambansang Bae, ibabandera niya ang eksenang idinirek niya sa pelikula kapag nag-showing na sila sa mga sinehan simula sa October 18.

Kathryn, Daniel bakunado na rin; may panawagan sa madlang pipol

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yassi Pressman sa viral ‘toxic plant’ photoshoot: OK po ako at safe po ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending