Daniel proud na proud sa pagkapanalo ni Kathryn sa 2023 Seoul International Awards: 'Walang mas deserving pa kundi siya lang' | Bandera

Daniel proud na proud sa pagkapanalo ni Kathryn sa 2023 Seoul International Awards: ‘Walang mas deserving pa kundi siya lang’

Ervin Santiago - September 25, 2023 - 07:35 AM

Daniel proud na proud sa pagkapanalo ni Kathryn sa 2023 Seoul International Awards: 'Walang mas deserving pa kundi siya lang'

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

PROUD na proud si Daniel Padilla sa bagong parangal at pagkilala na natanggap ng kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Personal na tinanggap ng Kapamilya Box-office Queen ang kanyang Outstanding Asian Star award sa katatapos lamang na 2023 Seoul International Awards.

“For the entire (2 Good 2 be True) cast it is an achievement. Sa lahat ng dedikasyon binibigay niya sa trabaho, walang mas deserving pa kung hindi si Kathryn lang.

“I’m very proud. Siyempre representative ng Philippines,” ang pahayag ni Daniel sa interview ng ABS-CBN.

Ang “2 Good 2 Be True” ay ang comeback project ng KathNiel na umere last year at dito nga napansin ng mga taong bumubuo sa Seoul International Awards ang akting ni Kathryn.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Personal na tinanggap ng dalaga ang kanyang tropeo sa ginanap na awards night sa Seoul, South Korea last Thursday, September 21.

Sa kanyang acceptance speech, nagbigay-pugay siya sa mga healthcare workers at ipinahayag ang kabutihan na naidulot ng ABS-CBN hit series na “2 Good 2 Be True.”

“I fell in love with this project [2 Good 2 Be True] because of its unique storyline. It’s always been more than just sharing a love story to our audience, but also spreading awareness about Alzheimer’s disease and educating people about those who struggle with it, and how we can offer them the best support they need.

Baka Bet Mo: Belle Mariano itinanghal na Outstanding Asian Star 2022 sa 17th Seoul International Drama Awards

“This project made me appreciate our nurses and our healthcare workers so it was really more than just another TV show for me,” sabi ng Kapamilya star.

Ginampanan niya ang karakter ni Ali, isang nurse na nag-aalaga sa isang matandang bilyonaryo (Lolo Sir/Hugo Agcaoili na ginampanan ni Ronaldo Valdez) na may Alzheimer’s.

Sa matagumpay na pagpalabas nito, pinuri ito ng mga manonood dahil sa maayos na pagpapakita nito ng health procedures tulad ng CPR at FAST method.

Pinasalamatan din ng “A Very Good Girl” star ang team sa likod ng “2 Good To Be True” at ang kanyang loyal fans sa Pilipinas.

Bukod pa rito, umaasa siya na mas marami pang world-class na content ang magagawa hindi lang para sa mga Pilipino, kundi para sa buong mundo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vogue Philippines (@voguephilippines)


“I am so proud and humbled to be on this stage representing Filipino talent and being a Filipino. This means so much to me. Thank you so much and from the bottom of my heart, maraming-maraming salamat po,” dagdag ni Kath.

Muling mapapanood si Kathryn sa “A Very Good Girl,” na ipapalabas na sa mga sinehan sa buong bansa simula Setyembre 27.

Samantala, pang-international ang hatid na kilig ng kinagigiliwang Kapamilya loveteams na KathNiel at DonBelle dahil napapanood ngayon abroad ang dalawa sa pinag-uusapang romance serye ng ABS-CBN na “2 Good 2 Be True” sa Vietnam at “He’s Into Her” sa Africa.

Matapos ang matagumpay nitong pag-arangkada sa primetime nitong 2022, umaariba ngayon sa Vietnam ang Vietnamese-dubbed version ng “2 Good 2 Be True” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, gabi-gabi sa pay TV channel na ONCINE.

Bago pa man ito umere sa Vietnam, naging matindi ang pagtanggap nito mula sa mga manonood sa Pinas matapos itong patuloy na mag-trending sa social media at manguna bilang most watched TV show sa Netflix Philippines.

Samatala, umarangkada na rin ang hit digital series na “He’s Into Her” na kasalukuyang napapanood sa 41 na bansa sa Africa, kabilang ang Nigeria, Ivory Coast, at Mozambique sa StarTimes channel—kung saan din umere ang ilang hit Kapamilya serye tulad ng “La Luna Sangre,” “La Vida Lena,” at long-running action teleserye na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Pinagbibidahan nina Donny Pangilinan at kauna-unahang Pinay SDA Outstanding Asian Artist winner na si Belle Mariano, kinilala ang “He’s Into Her” bilang most watched show sa iWantTFC at sunod-sunod na nag-trend sa Twitter ang pakilig nina Max (Belle) at Deib (Donny). Dahil din sa kasikatan ng serye ay nagkaroon ito ng sold-out concerts.

Patunay lamang ito na tinatangkilik saan mang sulok ng mundo ang mga programa ng ABS-CBN, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa 50 na bansa sa Asya, Africa, Europa, at Latin America.

Kathryn nominado sa 2023 Seoul International Drama Awards, makakalaban ang mga taga-China, Japan at South Korea

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kathryn Bernardo nilait-lait ng supporters ni Liza Soberano matapos magwagi ng Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending