Kathryn Bernardo nilait-lait ng supporters ni Liza Soberano matapos magwagi ng Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards | Bandera

Kathryn Bernardo nilait-lait ng supporters ni Liza Soberano matapos magwagi ng Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards

Reggee Bonoan - September 22, 2023 - 08:50 PM

Kathryn Bernardo nilait -lait ng supporters ni Liza Soberano matapos magwagi ng Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards

MUKHANG hindi matanggap ng supporters ni Liza Soberano na nakatanggap ng award si Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star sa 2023 Seoul International Drama Awards para sa TV series na “2 Good 2 Be True” kamakailan.

Nilalait kasi nila si Kathryn dahil may binabasa nito ang kanyang thank you speech sa entablado at tinag pa kami, huh.

Base sa post ni @lg_forever2014 sa X na dating Twitter, “Dinaan sa kodigo (emojis laughing face).”

Sumagot naman si @kaibengzon,“Of course, walang utak ‘yan, eh.”

Hirit ulit ni @lq_forever2014, “Ha, ha, ha first time ako nakakita ng may kodigo sa isang awarding.”

Hirit ni @pach4short, “OMG tlaga?!”

Parang ngayon lang yata nakapanood ang mga nabanggit na netizens na ang mga tumanggap ng awards ay binabasa ang kanilang mga pasasalamatan para wala silang malimutan.

Ganito ang nangyari kay Kathryn, inilagay niya sa kanyang cellphone ang mga gusto niyang sabihin sa entablado sa harap ng maraming tao na hindi niya kalahi. Sure kaming mixed emotions ang nararamdaman ng aktres ng mga sandaling iyon kaya ganu’n.

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo super grateful matapos kilalanin sa South Korea: ‘This is for you, this is for us!’

Sa ibinahagi ng TV Patrol nitong Huwebes ng gabi ay isa sa dahilan kaya niya tinanggap ang project ay dahil maganda ang story line at pinasalamatan ng aktres ang mga fans at mga kasamahan niya sa “2 Good 2 Be True”.

“This project (2 Good 2 Be True) made me appreciate our nurses and healthworkers, so, it was really more than just another TV show for me. And to my fans in the Philippines this is for you. You Guys a gem and I appreciate each and every one of you,” saad ni Kathryn.

Nang mabasa raw ng aktres ang story line ng TV series nila ni Daniel Padilla, “I fell in love with this project not only because of its storyline. It’s always been more than just sharing a love story, but also spreading awareness on Alzheimer’s disease and educating people about those who struggle with it and how we can offer them the best support they need.”

Napakinggan naman namin ang pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa programang Cristy Ferminute sa Radyo 5, 92.3 TRUE FM kasama si Romel Chika.

Opinyon ng CFM host, “Parang hindi kakampi ni Liza Soberano ang panahon. Sa pagkabigo niya sa Hollywood sinabi niya ang bagong Hollywood sa kanya ay South Korea, e, paano ito katatanggap lang ng award ni Kathryn Bernardo bilang Outstanding Asian Star para sa serye nila ni Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True Seoul International Drama Award. Nakabog na naman siya (Liza) agad.”

Sabi naman ni Romel Chika,“Naunahan na naman, meron na naman siyang (Liza) hahabulin.”

Anyway, nagpapalitan ng mga komento ang mga tagahanga ng dalawang aktres na mapapailing ka na lang at karamihan sa mga nagsabi ay ‘napahiya kasi sa Hollywood kaya nag Korea na lang.’

Napaisip tuloy kami na kung nanatili sa ABS-CBN si Liza kahit hindi na siya nag-renew sa manager niyang si Ogie Diaz ay sigurado kaming may mga projects pa rin siya, pero ‘yun nga umalis, eh, di waley.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Liza Soberano pinagtawanan ng bashers: ‘Hay naku, kung anu-ano na lang pinaggagagawa mo, nasaan na ang Hollywood dream?’

Kathryn nominado sa 2023 Seoul International Drama Awards, makakalaban ang mga taga-China, Japan at South Korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending