Iya Villania natawa, buntis nga ba sa kanilang baby no. 5 ni Drew Arellano?

Iya Villania natawa, buntis nga ba sa kanilang baby no. 5 ni Drew Arellano?

INAWANAN na lang ng TV host-actress na si Iya Villania ang mga kumakalat na chika na nagdadalangtao siya sa panglimang anak nila ni Drew Arellano.

Marami kasi ang nag-e-speculate na buntis na naman ang “Chika Minute” segment host matapos niyang i-post ang kanyang dance cover na ““If It’s Lovin’ That You Want” sa TikTok kasama ang floor director ng “24 Oras” noong Miyerkules, September 20.

Nakasuot kasi si Iya ng puting sleeveless top na may mga ruffles mula sa balikat hanggang sa kanyang tiyan.

At dahil nga sa pleats ng ruffles ng kanyang damit sa bandang tiyan ay marami ang nag-akala na mayroon siyang baby bump.

Mapapansin sa comment section na marami ang nagpadala ng congratulatory messages kay Iya dahil sa pag-aakalang buntis ito.

“Pregnant pala ulit kayo, congrats. Pang ilang baby na po yan?” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Congrats po Ms. Iya, another blessing sa family [red heart emojis].”

“Congrats po mukhang wala po byahe si Drew,” sey pa ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Iya hinihintay na raw magpa-vasectomy si Drew, OK na sa kanila ang 4 na anak

Kaya naman sa hiwalay na video ay nagsalita na si Iya at itinanggi na walang katotohanan ang nga hinala ng madlan netizens.

Sa naturang video ay ipinapakita niya ang mga komento ng mga netizens habang natatawa sa diumano’y pagbubuntis niya.

“For the record, no, I am not. So, thank you for these comments guys, [but] no,” natatawang sabi ni Iya.

Napa-face palm pa nga siya matapos basahin ang mga komento at sagutin ng “no” ang mga comments ng madlang pipol.

Marami naman sa mga netizens ang nakikulit na rin sa comment section at sinabing nasanay na raw sila sa madalas na pagbubuntis ni Iya.

Saad ng netizen, “Nasanay po kami ate Iya na every year buntis po kayo.”

“May biyahe pa si Drew guys kalma,” birong hirit naman ng isa.

Sey pa ng isa sa post ni Iya, “Iba po kasi talaga kapag walang biyahe si sir Drew e.”

Tila naaliw naman siya sa mga komentong nababasa.

“Oh em! You guys are so funny!!! [laughing in tears emoji],” reply ni Iya.

Matatandaang nasabi na nilang mag-asawa sa kanilang guesting sa “Fast Talk With Boy Abunda” na plano nila na magpa-vasectomy si Drew upang hindi na masundan ang bunso nilang si Astra.

Bukod kay Astra, may tatlo pang anak sina Iya at Drew. Ito ay sina Primo, Alonzo, at Alana.

Related Chika:
Iya umaming siya ang gumawa ng first move para maging dyowa si Drew: But he got turned off…

Bakit napaiyak si Iya nang magsilang ng baby girl?

Read more...