Bakit napaiyak si Iya nang magsilang ng baby girl? | Bandera

Bakit napaiyak si Iya nang magsilang ng baby girl?

Ervin Santiago |May 24,2021
facebook
share this

Bakit napaiyak si Iya nang magsilang ng baby girl?

Ervin Santiago - May 24, 2021 - 09:37 AM

HINDI pala inaasahan ng Kapuso actress-TV host na si Iya Villania na magkakaroon pa sila ni Drew Arellano ng anak na babae.

Talagang nasorpresa raw silang mag-asawa na nakabuo sila baby girl para sa kanilang third child. Bagama’t gusto talaga nilang magkaanak ng babae, hindi naman sila nag-expect nang bonggang-bongga.

“It was such a surprise. One, it wasn’t such an easy delivery and then two, I was so surprised that it was a girl.

“Because, parang I prepped that it was going to be another boy because for some reason, when I had an ultrasound, akala may jetlogs.

“Akala ko ‘yun na ‘yung nakita ko kasi parang may something, parang may underneath the pwet,” ang pag-amin ni Iya sa online chikahan nila ng movie and television writer na si G3 San Diego.

Kuwento pa ng Kapuso star, “But alam naman the doctor na ayokong malaman ‘yung gender. Pero parang alam mo naman, may dumaan.

“Sabi ko, ‘Were those balls?’ Sabi ko ‘it’s another boy ‘no? Sabi niya, ‘Just let me know if you want another’. Sabi ko, ‘No, I don’t want another’. But from that point on, I always thought na ‘Ah okay’,” aniya pa.

Sey ng misis ni Drew, ang mommy talaga niya ang gustung-gusto ng babaeng apo pero noong ipinagbubuntis nga niya si Baby Alana, ang akala niya ay baby boy pa rin ito.

“My mom was always like ‘babae ‘yan.’ ‘Mom, hindi nga eh. Kasi parang may nakita ako. Pwede bang tanggapin mo lang na it’s probably going to be another boy?’” chika ni Iya.

Kaya nang makumpirma na nilang baby girl ang nasa sinapupunan niya, parang nakaramdam siya ng  “major relief” dahil pwede na silang tumigil ni Drew sa pagta-try na makabuo ng anak na babae.

“So to my surprise, when I gave birth, ‘It’s a girl’ tapos parang napaiyak ako na may major relief na parang kung girl ‘to, pwede na akong huminto.

“It was such a surprise because ‘yun nga, it means I can stop. Parang ang saya lang kasi delivery is not easy, pregnancy is not easy.

“Kasi you know what it when you get to three kids, you easily want more. I don’t know why.

“Parang when you get to three, parang kaya naman pala. Sige dagdagan pa natin. You realize parang kaya naman pala. Sige dagdagan pa natin,” natatawa pang chika ni Iya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Baby Alana, may dalawa pang anak na lalaki ang celebrity couple — sina Primo at Leon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending