Lovely Abella naimpeksyon matapos manganak, muling naospital para magpaopera

Lovely Abella naimpeksyon matapos manganak, muling naospital para magpaopera

NAGKAROON ng impeksyon ang comedienne-vlogger na si Lovely Abella kaya kinakailangan itong dalhin sa ospital ilang araw matapos ang panganganak sa panganay nila ni Benj Manalo na si Baby Liam Emmanuel.

Sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, September 22, ikinuwento niya kung bakit pansamantala siya nahiwalay sa kanilang baby boy na ipinanganak niya noong September 15.

Pag-amin ni Lovely, kinakailangan niyang maoperahan dahil sa kanyang nakuhang impesyon.

Hindi rin daw nila alam kung paano siya naimpeksyon at saan niya ito nakuha.

“Bawat Pamilya ay may kanya kanyang pinagdadaanan sa buhay!” panimula ni Lovely.

“Isa na po kami dito, maraming nagtatanong sa amin kung ano ang nangyari kaya para isahan na lang sasagutin ko po dito, napakasakit sa pamilya namin ang mga nangyayari, lalo na sa akin.

“After 4 days nagkaroon ako ng infection at need ko isurgery ulit mas malala pa nung nanganak ako ng normal, kung tatanungin niyo ako paano nangyari, saan nanggaling, bakit nagkaroon ako ang sagot ko lang po ay walang may gusto na mangyari ang lahat ng to,” pagkukuwento ni Lovely.

Aminado siya na dahil sa mga nangyayari at pagkakawalay sa pamilya ay nagkakaroon siya ng depression na mag-isa niyang nilalabanan ngunit patuloy siyang kakapit sa Panginoon.

Baka Bet Mo: Lovely Abella isinilang na ang ‘miracle baby’ nila ni Benj Manalo: ‘Sa lahat po ng hirap na pinagdaanan ko, hindi ko na po kayang magpaganda’

“Pero never ko tinanong si Lord kung bakit nangyari sakin to, bakit nawalay ako agad sa anak ko at pamilya ko at magisa ko nilalabanan ang Depression dahil alam ko na siya lang ang bukod tanging kakapitan ko at kinakausap ko sa panahon na mag isa ako,” lahad ni Lovely.

Labis rin ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga mabubuting puso na nag-donate ng breastmilk para sa kanilang newborn baby lalo na’t hindi pa siya maaaring mag-breastfeed.

Pagbabahagi ni Lovely, “Sa lahat po ng nag Donate ng Breast milk sa anak ko, maraming maraming salamat, hindi ko alam paano kayo pasasalamatan sa ngayon pero pangako ko na magpapadami ako ng milk at ako naman ang magdodonate sa mga nangangailangan.

“Kaya po hindi ako makapag pa Breastfeed sa anak ko, or kahit yung napump ko dahil naka antibiotic po ako bawal po. Kaya muli salamat sa inyong lahat.”

Samantala, nanghingi naman ng dasal so Lovely sa madlang netizens para sa kanyang agarang paggaling.

“Please Pray for me, na tuloy tuloy nang gumaling salamat mga Pangga.

“Deuteronomy 20:4 4 For the LORD your God is the one who goes with you to fight for you against your enemies to give you victory,” sey ni Lovely.

Marami naman sa kanyang mga supporters at mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot ng mensahe at dasal para sa kanyang mabilisang pag-recover.

“Pagaling ka ha. Kung may gatas lang ako ibinigay ko na sayo. Try ko mamaya baka meron nga,” komento ni Archie Alemania.

Sabi naman ni Maymay Entrata, “Get well soon ate.”

“Prayers assured. healing in Jesus name,” sey naman ni Sunshine Dizon.

Related Chika:
Benj sa 1st anniversary nila ni Lovely: Nakakakilig pa rin mahal! Forever na tayo, ha?!

Lovely Abella inalala kung paano siya natulungan ni Marian Rivera: Lagi kang kasama sa dasal ko

Read more...