Iya hinihintay na raw magpa-vasectomy si Drew, OK na sa kanila ang 4 na anak | Bandera

Iya hinihintay na raw magpa-vasectomy si Drew, OK na sa kanila ang 4 na anak

Ervin Santiago |June 15,2023
facebook
share this

Iya hinihintay na raw magpa-vasectomy si Drew, OK na sa kanila ang 4 na anak

Ervin Santiago - June 15, 2023 - 07:22 AM

Iya hinihintay na raw magpa-vasectomy si Drew, OK na raw sa kanila ang 4 na anak

Drew Arellano, Iya Villania kasama ang mga anak na sina Primo, Leon, Alana at Astro Arellano

MUKHANG keribels na para sa Kapuso couple na sina Drew Arellano at Iya Villania ang pagkakaroon ng apat na anak.

Marami kasi ang nagtatanong kung balak pa ba ng mag-asawa na dagdagan ang Team Arellano at bigyan pa ng kapatid ang kanilang four kids na sina Primo, Leon, Alana at Astro.

Ayon kay Drew, ang original na plano talaga nila ni Iya ay dalawang anak lang, isang babae at isang lalaki lang pero hindi nga ito ang inilaan ng Diyos para sa kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Kung naging girl daw sana ang ikalawang anak nila ni Iya, yun na raw yun at wala na silang planong dagdagan pero lalaki pa rin ang ipinagkaloob sa kanila.

“I think we were aiming for one muna and then the second one, kung naging girl si Leon, I think that would’ve been it, you know? Primo and Leona. Okay na,” ang pahayag ng Kapuso TV host sa panayam ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” podcast.

Baka Bet Mo: Iya sa anniversary nila ni Drew: 18 years together, 8 years married and still forever to go…

Patuloy pang kuwento ni Drew, “Well, naging lalaki nga, so parang sabi namin, ‘Let’s try another one.’ Kung babae, ok na. So, we thought ‘yun ‘yun.”

Chika pa ng host ng GMA Public Affairs travel show na “Byahe ni Drew”, talagang ipinagdasal nilang mag-asawa na maging girl ang kanilang third child.

Nu’ng time na yun ay nagdesisyon sila ni Iya na huwag munang alamin ang gender ng kanilang magiging ikatlong anak pero malakas daw ang feeling ni Iya na baby boy na naman ang ipinagdadalang-tao niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


“So anyway, it was during the pandemic pa rin ‘to, this 2020. I couldn’t go to the delivery room, so I was just waiting sa room namin and then, dinala na ‘yung baby and like ‘Color pink!’

“So iba, iba rin ‘yung feeling ng having a girl lalo na two years in,” pagbabahagi pa ng TV host at dating aktor.

Samantala, napatunayan din daw niya ang mga ikinukuwento ng mga kaibigan niyang may mga anak na babae at sinasabing, “Iba talaga ‘yung lambing ng girl towards guys, towards the dads.”

Pagsang-ayon ni Drew, “And then, yeah, two years in, I totally get it now, I totally get it now na parang, ‘Papa!’ parang ang hirap pagalitan.”

At sa tanong nga ni Pia kung susundan pa nila si Astro para sa kanilang baby number 5, hirit ni Drew, “I think my wife is waiting for me to undergo vasectomy already. Okay na, we’re good.”

Samantala, natutuwa naman daw sina Iya at Drew sa panganay nilang si Primo dahil sa murang edad nito ay nakikita na nila ang pagiging responsableng kuya nito sa tatlong kapatid.

Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Iya umaming siya ang gumawa ng first move para maging dyowa si Drew: But he got turned off…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending