Iya umaming siya ang gumawa ng first move para maging dyowa si Drew: But he got turned off... | Bandera

Iya umaming siya ang gumawa ng first move para maging dyowa si Drew: But he got turned off…

Ervin Santiago |September 06,2022
facebook
share this

Iya umaming siya ang gumawa ng first move para maging dyowa si Drew: But he got turned off…

Ervin Santiago - September 06, 2022 - 09:39 AM

Iya Villania umaming siya ang gumawa ng 1st move kay Drew Arellano

Iya Villania at Drew Arellano

DIRETSAHANG inamin ng Kapuso TV host-actress na si Iya Villania na siya ang gumawa ng first move para maging magdyowa sila ni Drew Arellano.

Pero knows n’yo ba na hindi pala naging effective nu’ng una ang naisip na paraan ng celebrity mom para magetsing ang atensiyon ni Drew at makuha ang matamis nitong “OO”?

Sa pilot episode ng “Life with the Arellanos” podcast ng mag-asawa kahapon, September 5, binalikan nila ang pagsisimula ng kanilang love story pwedeng-pwedeng isapelikula o gawing teleserye.

Taong 2003 nang unang magkakilala at magkasama sina Drew at Iya sa youth-oriented show ng GMA 7 na “Click.”

Chika ni Iya, ramdam na raw niya sa mga unang buwan nang kanilang pagkakakilala na type na niya si Drew pero hindi raw talaga siya yung tipo na nakikipag-flirt sa mga lalaki.

Sey pa ng aktres at TV host patungkol kay Drew, “You’re mature and you’re past the landian stage.” Ito raw ang kaibahan ng kanyang asawa sa ibang male stars noong kapanahunan nila.

View this post on Instagram

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)


Umamin din si Drew na talagang gusto na rin niya that time si Iya. Bago pa raw sila magkatrabaho sa “Click”, crush na niya ang asawa mula nang mapanood ang ginawa nitong Telco commercial noon.

Kuwento ng host ng Kapuso travel show na “Byahe Ni Drew”, pinigilan lang niya ang sarili na ligawan si Iya dahil ayaw na ayaw niyang paghaluin o pagsabayin ang trabaho at personal life.

Ang totoo raw niyan, siya pa raw sana ang magiging tulay sa pagitan ni Iya at ng kaibigan nilang si Sid Lucero.

“The closer he (Sid) was getting to me, the more scared I was also getting because I had to face my truth, which was I actually like you (Drew),” pahayag ni Iya.

Sey naman ni Drew, gusto niyang paniwalain ang sarili na parang nakababatang kapatid lang ang turing niya kay Iya.

Hirit naman ng TV host-actress, “I was like, I am not your little sis! Because that’s not how I see you. Ha-hahaha!”

Hanggang sa dumating na nga yung panahong super close na sila matapos makagawa ng ilang TV show at commercials. At dito na nga gumawa ng first move si Iya — bigla niyang hinalikan si Drew.

“I thought I could kiss you because I thought you’d kiss me back. But he got turned off because he was like, ‘this girl was aggressive,'” ani Iya na sinundan ng malakas na tawa ng kanyang hubby.

Paliwanag ni Drew, “I didn’t reciprocate because I thought that shouldn’t happen. But eventually, we would kiss, but there was no label.”

Sa pagkakatanda ni Iya, taong 2004, habang nasa loob sila ng kotse at bumibiyahe, diretsahan na niyang tinanong si Drew kung ano ba talaga ang label nila.

“He was like, ‘I’m glad you asked because I think I’m ready,'” sey ni Iya sabay dialogue niya kay Drew ng, “Who is the girl here?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At makalipas nga ang 10 years ng pagiging magdyowa, nagpakasal na sina Iya at Drew (2014) at biniyayaan ng apat na anak – sina Primo, Leon, Alana at Astro.

Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano

Iya sa anniversary nila ni Drew: 18 years together, 8 years married and still forever to go…

Bakit napaiyak si Iya nang magsilang ng baby girl?

Iya umaming hindi na-imagine na magpapakasal kay Drew: Kasi hindi naman ‘yan ‘yung type ko, mars!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending