Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano | Bandera

Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano

Therese Arceo |June 04,2022
facebook
share this

Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano

Therese Arceo - June 04, 2022 - 07:24 PM

Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano
LABIS ang saya ng mag-asawang sina Drew Arellano at Iya Villania sa pagdating ng kanilang ikaapat na anak na si Astro Phoenix ngayong Sabado, June 4.

Sa kanyang Instagram stories ay ibinahagi ng celebrity momma ang video kung saan makikita na nagha-happy dance siya bago pa man ang kanyang labor.

Sa pangalawang IG story naman ay inamin ni Iya na ito ang kanyang pinakamahabang panganganak buhat nang isilang niya ang mga anak nila ni Drew.

Makalipas ang ilang oras ay nag-post na siya ng kanyang selfie na naka-thumbs up na may caption na “Done! Baby out!”

Samantala, nag-post rin ang Kapuso host na si Drew ng larawan ni Baby Astro Phoenix.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)

Sumunod namang ipinost ni Drew ng larawan ni Iya na nakahiga sa hospital bed habang buhat-buhat ang kanilang bagong silang na anak.

“All we need is LOVE. Love is all we NEED,” saad niya sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Drew Arellano (@drewarellano)

Matatandaang noong Enero 2022 nang ibahagi nina Iya at Drew na masusundan na ang kanilang pangatlong anak.

2014 nang magpakasal ang dalawa at noong 2016 nang dumating ang kanilang panganay na anak na si Primo na sinundan naman ni Leon noong 2018 at si Alana naman ay ipinanganak noong July 2020.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kumpirmado: Iya Villania buntis uli sa 4th baby nila ni Drew Arellano

Bakit napaiyak si Iya nang magsilang ng baby girl?

Iya sa anniversary nila ni Drew: 18 years together, 8 years married and still forever to go…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending