Kumpirmado: Iya Villania buntis uli sa 4th baby nila ni Drew Arellano | Bandera

Kumpirmado: Iya Villania buntis uli sa 4th baby nila ni Drew Arellano

Ervin Santiago |January 03,2022
facebook
share this

Kumpirmado: Iya Villania buntis uli sa 4th baby nila ni Drew Arellano

Ervin Santiago - January 03, 2022 - 04:42 PM

Iya Villania, Drew Arellano, Alana, Primo at Leon

BUNTIS uli ang Kapuso TV host-actress na si Iya Villania sa ikaapat na anak nila ng asawang si Drew Arellano.

Kinumpirma ni Iya ang good news ngayong araw, Jan. 3, 2022, sa episode kanina ng morning talk show nila nina Camille Prats at Kim Atienza na “Mars Pa More” sa GMA 7.

Ang bonggang announcement ng TV host ay nangyari sa inaabangang “Tarantanong” segment ng nasabing programa kasama ang kanilang mga celebrity guests na sina Jen Rosendahl at Janna Dominguez.

Tinanong kasi ni Camille si Iya kung magiging ate na ba very soon ang 1-year-old daughter nila ni Drew na si Alana Lauren.

Mabilis na sagot ni Iya, “Yes, mars! Magiging ate na si Alana. I’m so excited! Thanks, everybody! I’ve been really lucky to have it easy again. At least, nakakapag-work ako.

“I’m sure yung iba (staff ng Mars Pa More) diyan, hindi siguro nila namalayan. Siyempre, hataw pa rin tayo sa ‘Mars Magaling,’ mars! Siyempre, palaban ito, e.

“So yes, we are expecting. Parating na siya. Coming soon in June!” excited pang kuwento ni Iya.

View this post on Instagram

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Binati naman ng kanyang mga kasamahan sa show ang TV host sa bagong blessing na dumating sa kanilang pamilya at in fairness, nag-post pa si Kuya Kim sa Instagram para batiin ang Kapuso couple for their fourth baby.

Sey niya sa caption ng litrato nila nina Iya at Camille, the couple’s ninong wrote, “CONGRATS to my inaanaks @iyavillania and @drewarellano on baby no 4! You two are blessed!”

Samantala, hindi naman daw apektado si Iya sa pamba-bash sa kanya ng ilang netizens tungkol sa style niya sa pagpapalaki at pag-aalaga sa mga anak na sina Alana,  Antonio Primo at Alonzo Leon.

Sa “Grab A Word” segment naman ng “MPM” kinailangang buuin ni Iya ang pangungusap na, “Nakahanda akong baguhin ang style ko bilang isang ______, dahil nasabi na sa akin ng mga tao na ______.”

Sabi ng Kapuso star, “Hindi ako handa na baguhin ang style ko bilang isang magulang, dahil wala akong paki sa sasabihin ng ibang tao sa pagiging magulang ko sa mga anak ko, because that is my style.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa darating na February, 2022 ipagdiriwang na nina Iya at Drew ang kanilang 8th wedding anniversary.

Iya umaming hindi na-imagine na magpapakasal kay Drew: Kasi hindi naman ‘yan ‘yung type ko, mars!

Iya pinatawad pa rin ni Drew kahit matindi ang kasalanan: Naka-jackpot ako sa asawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending