Jaclyn Jose hindi natupad ang wish na makasama sa ‘Probinsyano’, iniwan muna ang GMA para sa ‘Batang Quiapo’ ng ABS-CBN

Jaclyn Jose hindi natupad ang wish na makasama sa 'Probinsyano', iniwan muna ang GMA para makasama sa 'Batang Quiapo' ng ABS-CBN

Coco Martin at Jaclyn Jose

MAKALIPAS ang isang dekada, nagbabalik sa ABS-CBN ang internationally-acclaimed actress na si Jaclyn Jose para sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo.”

Ilang taon din kasing nagtrabaho si Jaclyn sa GMA 7 kung saan nagsunud-sunod ang ginawa niyang teleserye at nakasama nga ang ilan sa naglalakihang Kapuso stars.

Sa panayam ng “TV Patrol”, ibinahagi ni Jaclyn kung bakit siya pumayag na iwan muna pansamantala ang GMA at tanggapin ang offer ng Kapamilya Network.

Isa si Jaclyn sa mga bagong karakter na mapapanood sa top-rating series na “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan at idinidirek ni Coco Martin.

Sa second season ng serye, ginagampanan ni Jaclyn ang role ni Corrections Chief Supt. Dolores Espinas, na isang makapangyarihang opisyal sa loob ng kulungan.

Magkakaroon ng konek ang kanyang karakter sa buhay ni Tanggol (Coco) at yan ang dapat abangan ng mga manonood na anytime soon ay mari-reveal na.

Baka Bet Mo: John Arcilla puring-puri si Francine Diaz: ‘Isa ka sa mga batang artista ngayon na gustung-gusto kong makasama’

Nagkuwento rin si Jaclyn tungkol sa unang pagkakataon na nagkasama sila ni Coco sa isang project at kung bakit siya napapayag na lumabas sa “Batang Quiapo.”

“Si Coco, parang anak ko na ‘yan. Ang una niyang pelikula, kasama ako, Masahista, noong araw. Matagal na.

“At mula noon, hindi naman kami nag-lose contact. In short, nagkakausap pa rin,” aniya pa.

Nagkasama sina Coco at Jaclyn sa award-winning movie na “Masahista” na idinirek ni Brillante Mendoza. Dito nanalo si Coco ng Young Critics Circle Best Actor award.

Nagkasama rin sila sa teleseryeng “Nagsimula Sa Puso” kung saan nagtambal sina Coco at Maja Salvador. Sinundan ba ito ng Kapamilya TV series na “Kung Tayo’y Magkakalayo” noong 2010.

Sa pagkakatanda ni Jaclyn, ang last teleserye na ginawa niya sa ABS-CBN ay ang “Kahit Puso’y Masugatan” na umere noong 2013. At mula nang mag-ober da bakod siya sa GMA, hindi na siya nakabalik sa Kapamilya.

“Nagkataon lang na nasa ibang istasyon tayo at that time kaya hindi tayo nakapasok sa Probinsyano,” aniya pa.

Sey pa ng veteran actress, gustung-gusto niya talaga na mag-guest sa “Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng pitong taon.

“Ang pakiramdam ng artista, ako ha, kapag hindi ako nakapasok sa soap ni Coco, halimbawa itong Probinsyano na natapos, hindi kumpleto ang pagiging artista ko.

“May ganoong feeling. Hindi ko alam ang pakiramdam ng kapwa ko artista, pero ako, ganoon ang pakiramdam ko,” sey pa niya.

Sa isang panayam, nabanggit din ni Coco na malaki ang utang na loob niya kay Jaclyn dahil ang aktres ang nagpakilala sa kanya kay Andoy Ranay na siyang direktor ng ABS-CBN series na “Ligaw Na Bulaklak” kung saan naging bahagi si Coco.

Muntik na kasing layasan noon ni Coco ang showbiz dahil feeling niya wala nang nangyayari sa kanyang career.

Maine gusto pa ring makasama si Alden sa bagong show ng TVJ sa TV5: ‘Legit Dabarkads naman kasi talaga siya’

Jaclyn Jose biktima rin ng hacking, nagbabala sa publiko: Please huwag paloko

Read more...