Megan Young kering-keri pang sumabak sa Miss Universe, balak pa bang sumali ngayong wala nang age limit?

Megan Young kering-keri pang sumabak sa Miss Universe, balak pa bang sumali ngayong wala nang age limit?

Megan Young

NGAYONG wala nang age requirement sa Miss Universe pageant, mas marami nang Pinay ang makaka-join para masungkit ang kanilang pinapangarap na titulo at korona.

Kaya naman sa isang event ay natanong ang Kapuso actress at 2013 Miss World na si Megan Young kung interesado pa ba siyang sumabak sa mundo ng beauty pageant.

Si Megan ang una at kaisa-isang Filipina na nakapag-uwi ng Miss World title sa Pilipinas at in fairness, marami ang nagsasabi na kering-keri pa rin niya ang rumampa bilang bet ng bansa sa Miss Universe.

Pero ayon sa wifey ni Mikael Daez, hindi na siya interesadong sumali sa kahit anong pageant, “No, I’m happy now where I am.”

Baka Bet Mo: Bong Revilla kering-keri pa ring makipagbakbakan: ‘Dati chubby ako pero ngayon mas lean, mas may cut at may abs’

Natanong din siya kung ano ang reaksyon niya sa naging desisyon ng Miss Universe Organization na tanggalin na ang age requirement sa naturang international pageant.

Ang age limit dati para sa mga sasaling kandidata ay hanggang 28 years old lamang.

“I think it’s great. I think the times are changing. Pageants are changing.

“It’s changed so much throughout the years and, you know, we’re just moving with the times. I’m really happy to see that,” tugon ni Megan.

Samantala, umaani naman ng papuri si Megan pati na ang asawa niyang si Mikael dahil sa ipinakikita nilang akting sa Kapuso primetime family mystery series na “The Royal Blood.”

In fairness, talaga namang hindi rin nagpapatalbog ang mag-asawa sa galing ng iba pang bida sa serye tulad nina Dingdong Dantes, Rhian Ramos at Tirso Cruz III.

Miss Universe bukas na para sa lahat ng kababaihan, wala nang age limit

Shamcey Supsup-Lee sa pagtanggal ng ‘age limit’ ng Miss Universe: I think it will make the competition tougher…

Read more...