Pau Fajardo nakahanap na nga ba ng bagong pag-ibig? | Bandera

Pau Fajardo nakahanap na nga ba ng bagong pag-ibig?

Therese Arceo |September 19,2023
facebook
share this

Pau Fajardo nakahanap na nga ba ng bagong pag-ibig?

Therese Arceo - September 19, 2023 - 11:58 PM

Pau Fajardo nakahanap na nga ba ng bagong pag-ibig?
IBINANDERA ni Pau Fajardo ang kanyang mga larawan na kuha sa kanyang bakasyon sa Thailand kung saan kapansin-pansin ang kakaibang glow nito.

Ngunit bukod sa kakaibang glow ng dalaga ay may naispatan rin ang mga netizens na talagang ikinasaya at ikinilig nila.

Tila may pa-soft launch na kasi si Pau sa bagong nagpapatibok ng puso niya matapos ang kontrobersyal na pakikipaghiwalay nito sa dating fiancè na si Scottie Thompson.

Matatandaang naghiwalay ang dalawa noong April 2021 nang maghiwalay ang dalawa matapos ma-engage noong bisperas ng New Year 2021.

Walong taon rin ang itinagal ng relasyon nina Pau at Scottie bago sila naghiwalay.

At ngayon nga ay mukhang naka-move on na ang dalaga at nahanap na ang taong muling mag-aalaga sa kanya at magmamahal nang lubos.

Baka Bet Mo: Ex-fiancée ni Scottie Thompson sobrang nasaktan: It has been a difficult time for my personal life…

Mas lalo pang umigting ang curiosity ng madlang pipol kung nakita na ba ng dalaga ang kanyang Mr. Right dahil sa comment ng TV personality na si RR Enriquez.

“Hindi pa tayo nag abot And hurray sa new love life,” comment ni RR sa post ni Pau.

Bagamat wala pang kinukumpirma ang dalaga kung in a relationship na ba talaga siya pero makikitang super happy at super supportive ng mga followers at supporters niya sa kanyang posibleng bagong pag-ibig.

” am so happy, finally our Miss Pau is already inlove and found the guy that will love the whole version of her. This is an answered prayer to all of us who witness how everything fall down and now you are now in a happy relationship. We wish and hope that Mr. PJ will be the best man for you. Godless you both. You really deserve to be happy. We are still here supporting you always and forever,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Sabay sabay tayong mag saya, sa wakas buo na ang puso ni ms .P kay mr P.”

“Finally, the Lord [heard] our prayer, since I became ur supporter, i really prayed for ur healing nd asked God to bless u d love u deserved. May d Lord b always d center of ur relationship. Stay in love, isasama ko pa din ikaw, kayo Ms. Pau sa mga panalangin ko Ic deserved mo ang tunay at wagas na pag-ibig. Naiiyak ako wyl typing this bcoz we witnessed ur pain nd now buo ka na ulit.”

Base sa Twitter, marami ang nagsasabing ng pangalan ng lalaki ngunit wala pa rin naman kumpirmasyon mula sa dalaga kung tunay ba ang hula ng netizens o hindi.

Related Chika:
Scottie Thompson, Jinky Serrano excited na sa kanilang first baby

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Moira dela Torre sinagot kung ‘babalik’ nga ba kay Jason Hernandez: Nope

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending