Pau Fajardo ayaw nang magdyowa ng basketball player: Hindi na talaga | Bandera

Pau Fajardo ayaw nang magdyowa ng basketball player: Hindi na talaga

Therese Arceo |June 25,2022
facebook
share this

Pau Fajardo ayaw nang magdyowa ng basketball player: Hindi na talaga

Therese Arceo - June 25, 2022 - 03:54 PM

Pau Fajardo ayaw nang magdyowa ng basketball player: Hindi na talaga
MUKHANG na-trauma na talaga ang social media influencer na si Pau Fajardo sa kanyang nagdaang relasyon kaya wala na itong balak na magkaroon ng kaugnayan sa mga basketball player.

Siguro ay talagang malalim ang sugat na iniwan sa kanya ng break up nila ng PBA player na si Scottie Thompson kaya naman naipangako niya sa sariling hindi na iibig sa basketbolista.

Sa launching ng isang brand ay natanong si Pau kung kumusta na ito at kung may chance ba pumasok siyang muli sa isang relasyon sa isang basketball player.

“Basketball player? Hindi na talaga,” sagot ng dalaga.

Pero nang tanungin siya kung ano nga ba ang hinahanap niya sa isang lalaki.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Pauline Fajardo (@_paufajardo)

“Ako, basta loyal okay na ako. Yun na muna,” saad ni Pau.

Matatandaang walong taon na silang magkarelasyon noon ni Scottie at sa katunayan ay nag-propose na ito sa kanya at inaya na siyang magpakasal.

Ngunit nagulantang ang madlang pipol na sumusubaybay sa kanilang relasyon nang bigla na lang magpakasal sa isang flight stewardess na si Jingkie Serrano noong June 2021.

Marami ang nakisimpatya sa dalaga maging ang mga misis ng mga basketball players na naging malapit sa kanila ni Scottie ay sumoporta sa kanya.

“Siguro kasi kilala nila ako. Kilala nila kami pareho pero syempre, di lang sila nagsa-side sa akin, masaya na nandun yung suporta nila sa akin,” pagbabahagi ni Pau.

Nang usisain naman siya kung ano ang meron sa kanila ng Northport Batang Pier shooting guard na si Jonathan Grey ay sinabi niyang choice niyang huwag munang mag-entertain.

“Siguro wag muna. Si Jonathank, hindi kami magkakilala talaga. Nakikita ko siya before kasi he’s a [basketball] player pero di kami magkakilala personally, wala kaming connection,” pagkukuwento ni Pau.

Marahil ay minsan silang nagkasama at nagmeryenda pero wala na raw sumunod matapos non.

Samantala, hindi naman nagmamadali ang dalaga sa pag-ibig.

“Kung darating, darating. Yun na lang po. Di ko masasabi, ayokong magsalita nang tapos. Bahala na si Lord,” sey ni Pau.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ex-fiancée ni Scottie Thompson sobrang nasaktan: It has been a difficult time for my personal life…

Ex ni Scottie Thompson na si Pau Fajardo, papasukin na ba ang showbiz?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending