Kris Bernal ibinandera ang first month ni Baby Hailee: Pure newborn bliss while soaking in every second of it | Bandera

Kris Bernal ibinandera ang first month ni Baby Hailee: Pure newborn bliss while soaking in every second of it

Therese Arceo |September 17,2023
facebook
share this

Kris Bernal ibinandera ang first month ni Baby Hailee: Pure newborn bliss while soaking in every second of it

Therese Arceo - September 17, 2023 - 07:15 AM

Kris Bernal ibinandera ang first month ni Baby Hailee: Pure newborn bliss while soaking in every second of it

SUPER proud momma ang aktres na si Kris Bernal sa kanilang first-born child ni Perry Choi na si Hailee Lucca.

Noong Setyembre 15, ibinandera ng aktres sa kanyang Instagram page ang ika-one month buhat ng ipanganak niya ang kanilang little sunshine.

“And in a blink, my #LittleSunshine, @haileelucca, is one month old,” saad ni Kris sa kanyang caption.

Pagpapatuloy niya, “Celebrating a month of pure newborn bliss while soaking in every second of it; filling our lives and hearts w/ so much love and purpose!”

Bukod pa rito, naibahagi rin ni Kris ang kanyang iba’t ibang mga karanasan bilang first time mommy sa mga unang linggo matapos ipanganak si Baby Hailee.

“There is nothing like the first weeks at home w/ a newborn. Sleep deprivation is real!

“It’s the craziest mix of excitement and exhaustion as we get to know each other,” lahad ni Kris.

Aniya, super challenging ang mga nangyayari lalo na’t lahat nc mga nae-experience niya ay bago sa kanilang mag-ina.

Baka Bet Mo: Kris Bernal may pa-face reveal kay Hailee Lucca, ibinahagi ang kwento sa likod ng pangalan ng anak

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

“It’s quite challeging as me and @haileelucca are both doing things we’ve never done before. Inhaling the happy, exhaling the hard! I wouldn’t change it for the world!” sey ni Kris.

Umani naman ng iba’t ibang komento mula sa netizens ang video na in-upload ng aktres.

Marami ang nagsasabing sa kabila ng siyam na pagdadalantao ni Kris ay mas naging kamukha ng kanyang asawang si Perry ang kanilang anak.

“Hahaha! [Mahal na mahal] ka ng asawa mo o!!! Xerox copy nya! ,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Ang cute ng baby mo. Look alike ng husband mo kris.”

“Naiiyak ako [crying emoji] grabe nppnood lng kita s starstruck now yan kna may baby n and so adorable,” sey naman ng isa.

Matapos ikasal nina Kris at Perry noong September 2021, agad nagbunga ang kanilang buhay mag-asawa ng isang napaka-cute na baby girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At nitong August 15 nga nang ipanganak niya ang kanilang panganay na si Baby Hailee Lucca.

Related Chika:
Kris Bernal manganganak na sa Agosto, ready na nga bang maging mommy?

Kris Bernal excited nang makita ang first baby, pero umaming inaatake rin ng matinding takot: ‘My heart explodes!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending