Yassi Pressman ayaw bigyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Luigi Villafuerte: Not rushing into anything

Yassi Pressman ayaw bigyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Luigi Villafuerte: Not rushing into anything

NAGSALITA na ang aktres na si Yassi Pressman ukol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ng Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nausisa siya ng King of Talk ukol sa relasyon niya sa politiko.

Pag-amin ni Yassi, masaya siya sa kung anuman ang mayroon sila ngayon ng gobernador.

Sa kabila ng pagsasabing masaya siya sa kung anong mayroon sila ay sinabi nitong ayaw niyang bigyan ng label ang kanilang samahan.

“I don’t wanna put labels in anything anymore. Not rushing into anything anymore,” saad ni Yassi.

“Ano lang din po, Tito Boy, I’m very happy to be spending more time together,” pagpapatuloy pa niya.

Sey pa ni Yassi, mas pinipili na niya ang maging masaya sa ngayon at hindi nagpapaapekto sa mga negatibong komento ng mga tao laban sa kanya.

Aniya, “So, parang kung saan na lang po ako nagiging masaya. Kasi mahirap po talaga yung pinagdaanan ko.”

Baka Bet Mo: ‘Holding legs’ photo nina Yassi Pressman at Luigi Villafuerte viral na: ‘Akala ko sa kambiyo nakahawak si Gov!?’

“And now, sometimes feeling ko, whatever I’m happy, I’ll stay there,” dagdag pa ni Yassi.

Sundot na tanong ni Tito Boy, “Masaya ka kasama si Luigi?”

Nakangiting sagot ni Yassi, “Masaya naman po.”

Matatandaang unang na-link ang aktres sa gobernador nang kumalat sa social media ang nga larawan na kuha nang mag-host ito sa isang founding anniversary event sa Camarines Sur.

Makikitang hinalikan ni Gov. Luigi sa pisngi si Yassi. Huli naman ang ngiti ng dalaga sa mga nangyayari.

Mukha ring ini-enjoy pa ng aktres ang kanyang kalayaan lalo na’t kakahiwalay pa lang nila ng dating fiance na si Jon Semira.

Nilinaw naman ni Yassi na wala talagang involved na third party sa hiwalayan nila at mutual rin ang kanilang desisyon.

Bukod pa rito, nananatili namang maayos ang kanilang samahan at may mga negosyo rin silang hinahandle sa kabila ng kanilang break up.

Related Chika:
Yassi Pressman 10 years nang kakilala si Luigi Villafuerte, nasa ‘getting to know each other’ stage pa lang ang relasyon

Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé, nasa ‘getting to know stage’ na with Luigi Villafuerte

Read more...