Moira dela Torre sa pagkakaroon ng ADHD: You can’t heal if you don’t acknowledge

Moira dela Torre sa pagkakaroon ng ADHD: You can't heal if you don't acknowledge
NAGING bukas ang singer-songwriter na si Moira dela Torre ukol sa kanyang pagkakaroon ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD.

Sa kanyang naging panayam kay MJ Marfori, inamin ng hugot singer na recently ay na-diagnose siya ng naturang sakit kung saan may pagkakataon na hirap siyang mag-focus o magbigay ng atensyon sa isang bagay o ikontrol ang kanyang impulsive behaviors at may tendency rin siya na maging overly active.

Sa kanyang naging panayam kay MJ Marfori, inamin niya na recently nga ay na-diagnose siya ng isang chronic at debilitating disorder kung saan may mga pagkakataon na hirap mag-focus o mag-control ng mga impulsive na desisyon, o maaari rin na maging overly active sa isang bagay.

“The notion of ADHD is hyper, and I’m the opposite,” pagbabahagi ni Moira.

Pagpapatuloy niya, “Apparently, ADHD doesn’t just define hyper. There’s a lot of other things… Actually, I’m still learning so much.”

Baka Bet Mo: Moira dela Torre may mga non-showbiz na manliligaw; Jason Hernandez magjojowa lang kapag annulled na ang kasal

Akala noon ni Moira ay nati-trigger lamang siya ngunit may mga pagkakataon raw na bigla na lang maeawala ang kanyang train of thought.

Aniya, “I used to think na na-titrigger lang ako, but yun pala may mga certain instances lang talaga na parang na-aano ka. And usually, halimbawa, may certain sounds na mawawala yung train of thought mo.”

Samantala, in-embrace naman ni Moira at itinuring na “new season” ang pagkakatuklas ng kanyang sakit.

Sey niya, ““I feel like I’ve always been so hard on myself. I always beat myself up for not having it together.”

Pag-amin pa ni Moira, walang mali na makaramdama na hindi ka ok at hindi nakakahiya ang paghingi ng tulong para maging maayos ang mental health.

“You can’t heal what you don’t acknowledge, and you can’t move forward if you don’t acknowledge where you are right now.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-open si Moira ukol sa kanyang mga pinagdaraanan.

Pinaalalahanan rin nya ang mga netizens sa isa sa kanyang mga post na “valid” ang kanilang nararamdaman at walang mali kung hihingi sila ng tulong para maiayos ito.

“Let this post be a reminder that it’s okay not to be okay and that getting help is good! It’s not something to be ashamed of. Our partners, our family, our friends, our psychiatrists are all gifts from God. Don’t be afraid to open up. Your pain is valid. You are important and you are worthy to be heard,” sey ni Moira.

Related Chika:
OPM artist Zack Tabudlo nagsalita na tungkol sa kanila ni Moira, umaming sinaktan ang sarili at na-comatose: ‘I gave up, I couldn’t take it…’

Kampo ni Moira dela Torre nagbantang magdedemanda matapos magsalita si Lolito Go para ipagtanggol si Jason Hernandez

Read more...